CHAPTER 21

23 6 1
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Napalakas ang paghila nila sa akin papasok sa classroom sala ako pinaupo sa isang upuan. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang dahil sa mga pinaggagagawa nila sa akin ngayon.

"Problema niyo?" tanong ko sa dalawang kaibigan kong nakahalukipkip sa harapan ko.

"Saan ka pupunta? Tapos nakita ka pa namin yung lapad ng ngiti mo. Halos umabot na sa tenga eh," ani Zara.

"Siguro, may ka-date ka 'no?" tanong naman nitong si Willow.

Nasa interrogation room ba ako kaya may mga ganito silang ginagawa sa'kin? Para naman akong nagkasala ng malala nito.

"Hey! Kanino galing 'yang mga flowers na may chocolate pa? May hindi ka talaga sinasabi sa amin eh." Dapat talaga hindi na ako dumiretso kanina dito para hindi nila ako nakita. Hayst! Kainis!

Mataray ko silang tinitigan saka tumayo. "Fine! Para sa ikakatahimik ninyong dalawa... May date kami ni Julian ngayon," sagot ko.

Kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha nang marinig ang aking isinagot.

"Chill! Okay? Frienly date kasi 'yon. Baka kung anong isipin niyo eh. Kilala ko pa naman kayo," dugtong ko pa.

"P-pero, akala ko ba—"

"Hayaan na na'tin siya, Willow. Para naman maranasan niyang ma-brokenhearted," putol ni Zara sa sinasabi ni Willow sabay irap nito sa'kin.

Oh, see? Ganyan po sila kapag may nalalaman silang lalakeng umaali-aligid sa akin. Tama talaga na naging kaibigan ko sila. Hindi ba naman ako suportahan sa love life ko kung sakali na magkaroon man.

"Problema niyo? Friendly date nga lang kasi 'yon."

Matiim akong binalingan ng tingin ni Zara. "Friendly date tapos itinaon mg Valentine's Day? Sinong niloko mo, Ms. Author?" mataray niyang sabi sabay irap na naman.

"Eh, kung tusukin ko kaya 'yang mga mata mo, Zara? Irap ka ng irap, nagseselos ka lang eh," singit ni Willow.

"Shut. Up. Hindi ako nagseselos 'no?! Tsaka sa pangit na 'yon pa talaga? Tsk! No way! May mas pogi pa naman sa tabi-tabi." Asus! Itinatanggi kahit na halata naman. Hahaha!

"Sige, kung wala na kayong sasbaihin aalis na ako. Baka hinihintay na ako ng KA-DATE ko. Babu!" Akmang tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang bigla kong maalala yung chat sa akin ni Zara.

"Hoy, babae!" tawag ko rito.

"Ano?! Hindi ka pa ba masaya na ikaw yung ide-date niya? May kailangan ka pa ba sa akin? Ano? Kailangan mo ng katulong na mag-aayos ng kasal niyo—"

"Gaga! Hindi 'yon!"

"Eh, ano?"

"Yung about sa chinat mo sa akin kagabi, totoo talaga na sinabi mo yung address ko sa kanya? Huwag kang magsisinungaling, dudukugin ko ngala-ngala mo," pagbabanta ko rito sabay duro sa lalamunan niya.

"Hindi! Iyan na nga ba ang sinasasai ko eh. Napakauto-uto mo talaga. Kaya hindi na ako magtataka na maging broken ka agad. Uto-uto ka kasi." Aba! Kapal talaga ng libag nitong babaeng 'to. Akaa mo may experience na maging ex ng boys. Ni isa nga walang nangahas na lapitan siya.

Sa katarayan ba niyang 'yan merong lalaeng manliligaw d'yan. Napakataas ang standards tapos mapili at maarte pa. Ayaw ng mahirap, ayaw ng hindi daw anak ng CEO, ayaw sa hindi gwapo, ayaw niya din sa mga moreno, at marami pa siyang ayaw.

Nahiya naman akong ang hangad lang ay igagalang ako bilang ako at tanggap ako ng buong buo. Hindi naman kasi ao sobrang mapili pagdating sa magiging boyfriend. Simple lang ang gusto ko, yung loyal na mabait at iginagalang ako.

"Ayy, wow naman ah. Akala mo naman nagka-experience na magkaroon ng boyfriend." Makaakto kasi grabe, haha!

"Sorry, mahal k lang namin kaya ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Kayakung ako sayo, ako na lang ang ireto mo kay Julian-pogi. Dali!" Ayon naman pala. Kaya pala grabe kung makaayaw siya sa akin na maka-date si Julian kasi ag gusto niya ay siya ang maging ka-date nito.

Aba! Iba din itong kaibigan ko ah. Mga atake talaga kapag paging lalake, grabe!

"Ayoko nga! Manigas ka d'yan. Akin lang si Julian—" aakto sana ako na crush ko din si Julian kaso naputol iyon ng isag pamilyr naboses mula sa likura ko.

"Ano? Sayo lang ako?" Paglingon ko rito, halos 'di ko na alam ang gagawin ko sa sobrang taranta at gulat! Shet! Help meeeeee! Huhuhu.

Papalapit ito sa pwesto naming magkakaibigan...

T*ngina naman oh! Tamang timing pa talaga ang pagdating niya sa oras kung saan pagtitripan ko sana itong si Zara. Hayst!

Bad trip naman oh!

"J-julian! A-anong ginagawa mo dito?" Isang pilit na ngiti ang ibinungad ko sa kanya.

Imbis na sumagot ito, MAS BIGLA PASIYAG LUMAPIT SA KINAROROONAN KO!

Mommyyyyyyy! Heeeeeeelp!

Hindi ko maigalaw ang mga binti koooo! Gusto ko ng lamunin ng lupa ngayon. Oo! Now na!

"A-anong ginagawa mo?" Uncomfortable ako, Julian! Ano baaaaa?!

"Tinatanong kita pero iniiba mo yung usapan? How sad naman.  Ang sakit sa puso na makitang yung taong gusto mo, ay walang pakialam sayo."

Ano daw?

"Kanina pa ako naghihintay sa dating spot na'tin pero wala ka pa din. Kaya nagtanong-tanong na ako kung saan kang room. So yeah, natagpuan kita dito and..."

Mas lumapit pa ito...

At ito ang hindi ko inaasahan! Inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko! Aba! May balak ba siyag halilan ako?!

Huwag assuming, Nathalie. Bakamay sasabihin kaya mas lumapit pa pati mukha niyang kasing puti ng ispasol...

Charot!

Pero itong nangyayari, hindi na biro ito. Hindi na'ko natutuwa!

"...I heard what you've said earlier," dugtong nito nasinabayan ng isag ngisi saka lumayo sa akin.
Naglakad na ito papalayo.

Pero bago pa siya makalabas, huminto ito at muli akong hinarap sbay sabing, "I'll wait for you to come with me, to be my Valentine's Date. Please, be quick."

Ayy, aba! Demanding siya, mga 'te!

Pagkalabas nito, napatingin ako sa mga kaklase kong babae na namimilog ang mga matang humarap sa akin. Ang iba pa nga'y napatakip na din ng kanilang mga bibig.

Gulat 'yarn? Charot!

"K-kayo ba ni Julian, Nathalie?" nauutal natanong sa akin ng isa kong kaklaseng babae na lumapit sa kinaroroonan naming tatlo nila Zara, at siya si Naomi.

"Hindi ah!" matiim na sagot ko.

"Eh, bakit may date? Bakit? Kung hindi mo siya boyfriend, para saan ang date?" singit naman ng isa ko pang kaklaseng babae na si Jaicka.

Parang nag-eenterogate itong mga kaklase ko. Grabe na 'to! Kasalanan ko ba kung inaya lang ako nung tao na makipag-date sa kanya?

"Aba! Malay ko ba! Pwede naman kasing friendly date yung mangyayari. Tsaka pwede ba? Hindi ko nga siya boyfriend. Ang kukulit ng mga utak niyo din eh 'no?" reklamo ko sa mga ito kasi kaina paako ginigisa ng mga tanong na kung anu-ano. Hayst!

"Nakakaselos, grabe! Ang sakit sa heart," biglang reklamo ni Zara habang hawak-hawak ang dibdib nito na umaktong naiiyak.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Walang kayo, anong ineemo-emo mo d'yan, 'te?" Walang humpay sakakatawa itong si Willow habang patuloy na inaasar itong isa naming kaibigan.

"Siraulo, masakit sa puso eh! Siyempre, crush na crush ko 'yon tapos hindi ako yung gusto. Sakit, mga mare! Ouch!" Ayan na po, nagdadrama na po ang isang Zara Andallo.

"Tigil-tigilan mo nga kami, girl. Kahit kailn hindi magiging sayo si Julian. Ang swerte lag talaga ng kaibigan na'tin kasi siya yung napiling PAGTRIPAN ng gwapo. HAHAHAHAHAHA!" Oh, tingnan niyo itong si Willow. Matapos niyang asarin si Zara, isinunod ako.

SANA DI KA MA MAGKA-JOWA!

Pero siyempre, joke lang. Baka ako ang makarma, masama pa maging bunga. Hayst!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon