CHAPTER 17

25 5 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Wala na kaming gagawin ngayon. Wala na daw pasok ngayong tanghali hanggang hapon sa pagkakaalam ko eh. Tamang hintay na lang ng time para makalabas na ng campus.

Malapit na ang Valentine's Day at alam ko na kung sino ang bibigyan ko ng mga bagay na minsan ko lang gagawin sa buong buhay ko at sa iisang babae ko lang magagawa 'yon.

Chocolate, three red roses, and a song...

Iniisip ko pa lang yung pagkanta ko sa harapan niya, kinikilig na ako. What's more pa kaya kung kaharap ko na siya? Kahit minsan lang na kiligin siya sa mga gagawin ko, sapat na 'yon sa Valentine's Day para maging buo ang araw ko. Basta makita ko lang na naging masaya siya nang dahil sa'kin.

Sa'kin lang.

Kasi siya ang gustong gusto kong babaeng mapapasaakin. Unang babaeng tatawag sa akin ng "mahal". Unang babaeng kaya akong pahinain gamit ang isang ngiti niya lang.

Grabe, Julian! Tinamaan ka na talaga! Akala ko bilang idol lang na gusto mo siya.

Di ko akalain na mas hihigit pala doon. Gusto ko tuloy patunayan sa kanya na karapat-dapat ako para sa kanya. Ready na akong mahulog ng mahulog basta siya ang sasalo.

Naks!

Yung pagkagusto ko sa kanya, handa akong palitan ng pagmamahal 'yon. Basta sa kanya lang. Siya lang naman ang gusto kong makasama. Gusto kong maramdaman niya na may tagasuporta siyang tulad ko na handang tanggapin siya ng buong buo at laging susuporta sa kanya, ano man ang mangyari.

"Hoy!"

Nabulabog ang pagmo-moment ko nang dahil sa panggugulat ng kung sino man. Kalabitin ba naman ako ng kung sino man. Ang ganda na ng imagination ko, tsk! Panggulo, hayop!

Paglingon ko, napamura na lamang ako.

Hayop na mga kaibigan 'to.

"Ano?!" Badtrip, shuta!

"Tinatanong ka namin kung sasama ka sa amin. Mag-oover the bakod kami—"

"G*go! Ikaw lang naman, uy! Nandamay pa 'to. Siraulo, tss." pagtatama ni Charlie kay Wesley.

"Gulo niyo! Di ako sasama, mga bugok. Dito na lang muna ako sa room. Kahit 'di ko matiis minsan yung kaingayan nila, okay lang."

"Ayieeeee! Nagiging good boy ka na ba, pre? Bakit mukhang nagbabagong buhay ka na yata? May hindi ba kami nalalaman?" sunod-sunod na tanong si Wesley at pinanliitan pa ako ng mata.

"Maraming nangyari, malamang." sagot ko ng may pagkasarkastiko.

"Ano? Ano, ano, ano? Anong tsismis?"

Isang tampal ang natikman ni Charlie nang dahil sa pagiging tsismoso niya. Tsismis pa nga! G*gong 'to. Itinutulad niya na ba ako sa kanya na tsismoso? Tsk!

"Aray ko! Ang sakit naman no'n! Pre, chill ka lang. Chill!" reklamo niya sabay hawak sa pisngi niyang tinamaan ko.

"Tsismis ka d'yan. Batukan pa kita eh. Hindi naman ako kuhanan ng tsismis," reklmo ko rito.

"Ngayon na nga lang masusubukang mag-over, 'di ko pa mata-try kasi ang ki-kill joy ng mga kaibigan ko, hayst." napatingin kami rito kay Wesley na para bang nagdadrama.

Iba pala magdrama ang isang 'to. Mapagkakamalan mong parang hindi binigyan ng allowance ng isang buwan yung itsura niya. Hahaha!

"HAHAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA! Ayusin mo nga 'yang mukha mo, pre! Para kang 'di makautot nang dahil sa itsura mo,"

"G*go,"

"Alam niyong dalawa, manahimik muna kayo. May sasabihin pa akong napakainportante," singit ko at maya-maya pa'y natahimik silang dalawa.

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang dahil sa dalawa kong kaibigan na mahilig magsagutan sa harapan ko. Mga wala ngang hiya, hayst!

"Ano? May nililigawan ka na?" Tingnan niyo kagaguhan nitong si Wesley. Di pa din nagbabago ang hinayupak na 'to. Pangunahan ba naman ako.

"Nililigawan? Di ba siya yung nililigawan ng mga babae dito? Hahaha!" Isa pa 'tong Charlie na 'to.

"Eh kung sapatusin ko kaya kayong dalawa," inis kong sabi sa kanila dahilan para tumahimik sila.

"Ito na, tatahimik na. Ito naman, 'di mabiro. Ano nga ulit yung sasabihin mo sa'min?" Tumino ka, Wesley. Kahit ngayon lang, please. Ayokong mahing bad mood agad ako.

Pinalapit ko silang dalawa para walang makaalam na iba. Ayokong may makaagaw sa future bebe ko 'no. Di pwede 'yon. "Kilala ko na kung sino si Inkygirl, mga 'tol." Nakangisi kong bulong sa kanila.

"Ano naman—aray ko!" Isang sapok na namam ang natamo ni Wesley sa'kin nang dahil sa pambabara niya. Annoying, tss. Hindi pa kasi amining nabi-bitter lang.

"Hahaha! Magkakaroon ka ng tatlong bukol niyan, p're. Deserve mo naman, hahaha!" Natatawang ani Charlie sabay ngisi.

"Tarantado ka, Charlie. Ang sakit kaya masapok! Try kaya na'tin sa ulo mong hugis bao. Ano?" Ayan na po ang mainiting ulo ni Wesley at mukhang magkakagulo ngayon dito.

"Ano? Kukuha na ba ako ng pop corn para naman may makain ako habang nanonood ako ng laban ninyong dalawa sa harapan ko, ano?" Nang dahil sa sinabi ko, napalingon sila sa akin ng pataas-pababa.

Kaagad silang umayos ulit ng upo. Mga baliw talaga, hayst.

"So, sino muna si Inkygirl?"

"Charlie, alam kong hindi mo pa nakita 'tong baabeng 'to. Noong una nga, hindi ako makapaniwala na siya yung hinahangaan kong author eh,"

"Sino nga?" Hindi na talaga mapipigilan pa si Charlie at kanina pa ko kinikulit nito.

"Si Inkygirl at si Nathalie ay iisa."

"Who's that, p're? At saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?" Sunod-sunod na tanong nitong si Wesley sabay nagpamulsa.

"Sa kanya mismo nanggaling na siya si Inkygirl. Kung ayaw niyo maniwala, siya mismo ang tanungin ninyo. Siya yung kasama nung dalawang babae na may katangkaran na inilayo na'tin sa grupo ng mga mayayabang na lalake dito sa campus? Isa siya doon," paliwanag ko.

"Saan siya doon?" tanong niya ulit.

"Yung may kahabaan ang buhok na medyo wavy tapos kulay blonde, basta gano'n." Sagot ko sa kanya.

"Ah! Siya 'yon? Ang ganda naman pala niya. Pero, mas type ko yung isa. Taray eh," ani Wesley.

Napangisi na lamang ako. "Sigurado akong hindi mo makukuha 'yon. Tatarayan ka lang niya,"

"Hindi 'yan. Siguradong sigurado ako na makukuha ko siya at mapapasakamay ko siya. Baka bukas nga kami na eh,"

"Siraulo ka talaga kahit kailan,"

"Luh, minsan lang naman eh. Grabe ka naman sa'kin, p're. Parang 'di kita kaibigan ah,"

"Gunggong ka, Wesley. Dati ka na kayang ganyan. Madalas siraulo, minsan matino." Singit nitong si Charlie sabay tawa.

Nalukot ang mukha niya at tila ba umaktong gustong maiyak, "Grabe na talaga kayo sa'kin. Ipapatumba ko natalaa kayo, mga p're. Kinakawawa niyo na ako!"

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon