CHAPTER 14

16 4 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang tumunog ang bell, palatandaan na break time na namin. Maraming binigay na assignments ngayong araw at next week ang pasahan. Mininsanan eh. Parang wala namang  mga bukas na darating.

"Okay, class. Dismissed." sabi ng pangatlong teacher namin para sa klase namin ngayong umaga.

Nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko at sabay-sabay na nagpaalam sa guro namin. Ilang sigundo ang lumipas at lumabas na din ang teacher namin kaya unahang nagsilabasan ng mga kaklase ko mula sa silid-aralan na 'to.

Tumayo na rin ako para bumili ng meryenda sa school canteen saka ako didiretso sa library para maghanap ng ilang ideas para sa gagawin naming synthesis papers. Medyo marami kaya kailangan kong dalian. Hindi naman sa pini-pressure ko ang sarili ko. Gusto ko lang na maaga akong matapos.

Dali-dali akong bumaba papuntang first floor. Nang makababa na ako ay agad akong pumunta ng canteen para makabili na ng makakain at nang makapunta na sa library mamaya.

Nadatnan kong punuan ang bawat sulok ng school canteen kaya doon ako sa mini park namin dito. Pwede naman kumain doon eh.

I'm on my way to mini park when I heard some noise from the place that I wanna go. I'm near at the mini park and I noticed that some of the students are there and kinda watching a performance.

Wait a second...

Is it the famous band of our school?

Patakbo akong pumasok sa mini park at tama nga ako ng hinala. May practice dito ang banda na representative ng school. Hay... kung minamalas ka nga naman.

May mini stage kasi dito at doon nakapwesto ang assembled drum set, ang mic, lahat-lahat ay nandoon na.

Palabas na sana ako nang bigla nila akong tawagin. "Kuya na matangkad na maputi na may hawak na pagkain! Pa-sample nga po. Kanta ka, Kuya!" sabi ng babaeng may kaliitan na may hawak ng gitarang kulay asul.

Napahinto ako at napatingin sa kanila. "I just wanna eat for now. I'm starving, and I don't know on how I will eat these because almost all of the places here are crowded. And don't want to sing a song just to make some fun, okay?"

Nagkatitigan sila at ngumiting pilit sabay sabing, "Sorry, Kuya. Sige po, ikain niyo na lang po 'yan."

I just gave them a nod and I walked out. I will find a place where I can call it "my peaceful place". Doon ko gagawin lahat ng mga gusto kong gawin. Yung tahimik na lugar na ako lang ang nakakaalam at wala ng iba pa.

Nagulat ako at napatingin sa likuran nang may biglang kumalabit sa kaliwang balikat ko.

"Need a peaceful place? Tara! May alam akong place ma madalas kong puntahan. Sasama ka?" anito.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Nerd pala siya? Bookworm din pala gaya ko? Haha! Ayos, may magiging ka-close na akong babae na may parehas na interes tulad ng sa akin.

Sumama ko sa kanya.

"I'm Nathalie. I'm one of the girls that you've saved from evil guys,"  sabi niya habang naglalakad kaming pareho.

Siya pala 'yon? Ganda niya din pala sa malapitan.

"And you're?" tanong niya.

"I'm Julian," sagot ko rito.

"Okay, Julian. Sa rooftop tayo tatambay,"

"Seryoso?"

"Oo nga. Since, punuan ang library, mini park, at sa school canteen. Doon muna tayo,"

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon