CHAPTER 29

21 2 0
                                    

∞∞∞

Axel's POV

---

"Mom, kung hindi na lang na'tin ituloy yung binabalak ninyo? Eh, sa ayaw talaga ni Nathalie na maitali sa piling ko," tanong ko kay Mommy na nagda-drive ng kotse na sinasakyan namin pauwi.

"Hindi lang ako ang pwedeng magdesisyon. Kapag umayaw na ang Tita Lilian mo, sige. Hindi na na'tin itutuloy. Nakokonsensya na din kasi ako. Napagisip-isip ko din kasi, anak. What if, tama lahat ng sinasabi ng utak ko, na hindi magiging maganda ang bunga ng usapang pagkakasundong kasal ninyo? Hindi ba?" ani Mommy, na tinanguan ko naman bilang pag sang-ayon.

"Hayaan mo't kakausapin ko ang Tita Lilian mo. Para matapos na din ito. Ayokong hindi sila nagkakaayos ng anak niya. Hindi niya naman siguro matitiis na gano'n silang dalawa," dagdag pa ni Mommy.

"Baka hindi talaga kami para sa isa't isa ni Nathalie, Mom. Sana soon na hahanga ko, sa hahanga din sa'kin. Medyo masakit pero okay pa, haha! Wala eh, ayaw sa'kin."

"Binata na talaga ang anak ko! Pero, anak, iingatan mo ang puso mo ah. Ayokong nakikita kang nasasaktan ng sobra. Nasasaktan din kasi ako bilang Mommy mo, ha? Iingatan mo din ang magiging girlfriend mo in the future. Iparamdam mo sa magiging asawa mo na totoong mahal na mahal mo siya."

Mommy talaga, oo! Hindi pa nga ako nakaka-graduate, asawa na agad ang iniisip.

"Mom, ang advance mo naman po madyado. Kalmahan mo po, malay niyo mamaya may pumunta na sa bahay tapos sabihing magkakaapo na kayo—"

Naputol ang sinasabi ko nang bigla akong makatikim ng batok ni Mommy. Haha! Ang sakit no'n!

"Huwag na huwag kang gagawa ng mga ayaw ko, Ax! Sinasabi ko sayo, ako ang hahampas ng pader sayo," banta niya. Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya dahil galit na talaga't mukhang ayaw talaga magkaroon ng apo agad. Hahaha!

"Alam ko naman po 'yon. Pero, ang sakit, Mommy ah. Sh*t! Ang lakas no'n!" reklamo ko rito.

Nakatikim ako ng matalim na tingin mula sa kanya nang dahil sa sinabi ko. Talo na naman ko, haha!

"Tigil-tigilan mo ako, Axel! Nagmamaneho ako baka bigla kong iparada ito at nang mahampas kita dito sa monobela ng sasakyan ko!" Nanggigil na po talaga siya. Patay ako nito.

Lagoooot!

***

Nathalie's POV

---

Kahit na nagtatampo ako kay Julian, hindi ko mapigilan yung sarili ko na tanungin kung nasaan ba siya at kung bakit hindi niya ako nasamahan kanina.

Tatawagan ko pa lang sana siya nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Charlie. Kaya agad ko itong sinagot.

"Bakit—"

["Nathalie? Nathalie! Si Julian!"]

"Bakit? Anong nangyari kay Julian?"

["Naaksidente siya!"]

Para akong nabuhusan ng yelo nang dahil sa aking narinig. Hindi ako makagalaw!

["Nath? Are you still on the line? Hello? Julian needs you right now. Please come to this address. Dito dinala si Julian, sa address ng hospital na i-sesend ko sayo,"] aniya at pinatay na ang tawag.

Tumunog ulit ang aking telepono, message iyon ni Charlie. Nakalakip doon ang address ng ospital.

"Pupunta ka ba?" tanong sa akin ni Honey.

Hindi ko na iyon sinagot at kaagad na umalis na sa bahay nila. Iniwan ko silang dalawa ni Zara. Sila na muna ang mag-bonding. Kailangan ako ngayon ni Julian. Siya muna ang uunahin ko sa ngayon.

Dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at agad na pinuntahan ang address ng ospital na sinasabi ni Charlie sa message na sinend niya sa'kin kani-kanina lang.

Ayoko mang aminin ng husto sa sarili ko pero matinding pag-aalala ang nararamdaman ko sa ngayon. Malakas ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ng sobra para kay Julian. Nag-aalala ako kasi alam ko sa sarili ko na ayoko siyang mawala sa'kin!

F*ck! Ang lakas ng hatak ng lalakeng 'to kahit na nadisgrasya na! Huling huli pa din niya ang puso ko, tss!

Dinalian ko na ang pagmamaneho para agad na makarating sa ospital na iyon. Baka kanina pa ako hinihintay nila Charlie.

Bakit ba kasi naaksidente 'yon?

Ilang sandali pa'y malapit na rin sa wakas.

Nang makarating na ako'y agad akong bumaba at pumasok sa loob ng ospital. Tinanong ko na ang mga nurse na nandoon kung saang room dinala si Julian. Kaagad naman nilang sinabi at kaagad ko iyong pinuntahan.

Bumungad ng yakap si Charlie sa akin pati na si Wesley, pero agad din naman silang humiwalay mula sa pagkakayakap at pinaupo ako sa tabi nila.

"Ano? Kumusta si Julian?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kailangan niyang masalinan ng dugo. Maraming nailabas na dugo si Julian, kaya kailangan niya ng taong magdo-donate ng dugo para sa kanya," sagot ni Charlie.

"Ano bang blood type niya?" Napaigtad ako nang mabosedan ang biglang sumingit sa usapan namin.

Nilingon ko siya upang makasiguro kung siya ba iyon o nagkamali lang ako ng dinig kung kaninong boses iyon.

"Axel?!" gulat kong tawag sa pangalan niya.

"Yes? Ahm, nagpacheck-up kasi si Mommy. Sinamahan ko lang. Tapos nakita kita na dito dumiretso Nathalie, kaya sinundan kita. So, sino ba yung sasalinan ng dugo? Kaibigan niyo ba?" ani 'to sa amin.

"Nathalie, sino 'to?" tanong ni Wesley sabay duro kay Axel.

"My childhood—"

"Her future man." Hindi na ako pinatapos pa ni Axel ma magsalita at siya nang sumagot.

Naningkit ang mga mata ni Wesley at akma sanang susuntukin niya ito, nang bigla akong nagpagitna.

"Teka nga! Huwag kayong mag-away dito! Huwag kayong gumawa ng gulo. Wesley naman eh! Oo, siya ang ipinagkasundo sa akin na pakasalan ko pero ayoko mangyari 'yon. Okay? Gulo niyo eh!"

Bumaling ako kay Axel. "At ikaw, umuwi ka na nga!"

"I just want to help your friend, Nathalie. Ayoko ng gulo at hindi ako pumunta rito at sinundan ka para manggulo. Kaya please, let me help you, guys. Kaya ko nga tinatanong kung anong blood type niya. Baka same kami, kaya naman ng katawan ko eh. Kaya, walang rason para hindi ako tumulong kung kinakailangan," paliwanag niya.

Wala akong magagawa, buhay ni Julian ang nakasalalay sa bawat desisyon namin na gagawin. Bilang kaibigan niya at hinahangaan, gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na makilala ko lubos. Kaya sana...

Sana nga'y magkatipo ng dugo itong dalawa para matapos na ang problema namin na 'to.

"Type A ang tipo ng dugo ni Julian," singit ni Charlie sa usapan.

"Same. Ano ba mga kailangan? Where's the doctor? Kung kailangan na kailangan na ngayon ng kaibigan ninyo ng tulong ko, ngayon na na'tin gawin. Wala tayong dapat sayanging oras," tugon naman ni Axel.

Pagkasabi niya no'n ay saktong dumating ang doctor na tumitingin kay Julian.

"May magdo-donate na ba ng dugo para sa pasyente?" tanong nito.

"Ako po," sagot ni Axel sabay taas ng kamay.

Pinapasok ng doctor si Axel sa kwarto ni Julian at doon ay kinausap na nila ito para sa gagawin nilang pagta-transfer ng dugo.

"Siya ang dahilan kaya nagkaganyan si Julian. Bakit hinayaan ninyong siya ang mag-donate! Pwede namang ako na lang!" nanggagalaiting sabi nitong si Wesley na nakayukom pa ang mga kamao.

Isang malakas na batok ang natamo niya mula kay Charlie. "Tanga! Hindi naman kayo magkadugo. Bobo mo talaga, hayst!"

"Oo nga 'no? Ang tanga ko talaga. Bakit hindi ko agad naisip 'yon."

Hay! Ewan ko sayong damuhong ka, Wesley. Sumasakit ang sintido ni Charlie sayo. Nai-stress na yung kaibigan mo sa kagagahan mo. Hahaha!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon