CHAPTER 18

11 5 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

"So, ano na? Ano nang chika?" bungad na tanong ni Zara sa amin ni Willow.

Hindi pa nga kami nakakaupong dalawa, ginigisa na kami nitong magaling na kaibigan namin.

Nasa cafeteria kami ngayon at patambay-tambay lang dito. Hindi pa open ang gate eh. Kaya magpapalipas muna kami ng oras dito.

"Ewan ko kay Nathalie," tugon naman nitong si Willow sabay upo sa upuan.

Ibinaba ko ang bag ko sa lamesa na nandito sa pwesto namin at tumingin sa kanila. "Umamin sa akin si Julian na crush niya ako at balak niya daw akong ligawan." Napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong may magre-react dito kasi crush na crush niya si Julian.

"WEH?!" Hindi makapaniwalang napasigaw si Zara nang dahil sa sinabi ko.

"Hala, sa true? Weh? Halaaaaaa! Yung baby ko wala na, huhuhu..." Sabi na nga ba at masasaktan siya. Sana 'di ko na lang sinabi. Ang titigas kasi ng bungo ng dalawang 'to. Lalo na itong si Zara na kanina pa ako tinatanong, kahit kaninang may teacher pa. Pilit nitang inaalam!

"Baliw! Hindi mo naman sanggol si Julian. Kailan mo pa naging anak 'yon?" pambabara sa kanya ni Willow kaya napairap sa kanya si Zara sabay humalukipkip ito.

"Ikaw, tumahimik ka na nga lang kung wala kang masasabing maganda," mataray na sabi nito saka umayos ng upo.

Ito namang isa ay tinatawanan lang siya.

Hindi po sila nag-aaway ah. Ganyan lang po talaga kaming tatlo maglambingan, opo.

Paulit-ulit ko ng binabanggit na ganyan talaga kami. Baka magtaka pa kayo kung bakit nagtatarayan kaming tatlo. Hahaha! Normal lang po sa amin iyan, opo.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Sa kagaganyan ninyo, baka maiskandalo pa tayo dito," pagpapatigil ko sa kanila kahit na alam kong minsan lang sila nakikinig sa'kin.

"Sana all kasi nagiging crush ng isang napakagwapong lalake. HINDI BA, NATHALIE?" Okay, emphasized words pa nga.

"Hindi na'tin maitatanggi na magustuhan ni Julian si Natha—"

"Willow, baka nakakalimutan mong iba ang GUSTO sa CRUSH lang?" pangongontra ni Zara kay Willor sabay irap.

Sabi sa inyo eh. Ang su-sweet talaga ng mga kaibigan ko, oo! Ang lalambing nila!

"Oh? Eh, bakit ikaw? Parang sayo naman si Julian. Mukhang ipinagdadamot mo. Hindi naman sayo," saad naman nitong si Willow sabay halukipkip.

"Wala ka talagang pag-asa sa crush mo, Zara. Kaya huwag mo ng ipilit," dugtong pa niya.

"Fine! Eh 'di wala! Tsk! Hindi kayo support sa'kin. Nakakaiyak kayo," ani Zara at umaktong naiiyak.

"Hindi mo lag tanggap nasi Nathalie ang pinili eh. Unexpectedly and surprisingly, siya ang nakakuha ng atensyon ng crush mo."

"Whatever, Willow. It's just a CRUSH. Kaya ano namang pinagsasasabi mong hindi ko tanggap?"

"Aminin mo na kasi."

"Anong aaminin ko?"

"Na naiinggit ka. Totoo naman kasi beh, don't deny it."

Oops! Mukhang mas umiinit na ah. Shuta, may masasampal yata akong dalawa dito ng wala sa oras.

"Hindi kayo titigil o pagsasasampal-sampalin ko kayong dalawa sa harapan ko?" Nakakairita naman kasi. Simula pa noong dumating kami dito sa cafeteria, walana silang ibang ginawa kun'di ang magsagutan.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon