CHAPTER 11

17 5 0
                                    

∞∞∞

Zara's POV

---

Nasa kwarto ako ngayon at nagtitipa sa keyboard ng aking laptop habang kumakain ng halo-halong cookies. May waffers din na may iba't ibang flavors. Nakalagay ang mga ito sa iisang transparent glass bowl. May gatas rin akong nandito sa study table ko.

Hindi pa ako naaantok kaya gumagawa muna ako ng position papers ko na ipapasa sa bukas makalawa. Ang dami ng gagawin. Pwede humimlay? Grabe talaga, hayst!

Napaigtad na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. May dala itong tray na may isang baso ng gatas at isang bowl ng strawberry flavored cookies. May kasama pang isang pair ng sandwich.

Aww... Ang sweet naman.

"Mom, ikaw po pala."

Yes naman, Mommy ko 'yan eh. Naglalambing ang mataray kong ina. Alam niyo na ngayon kung saan ako nagmana ng kasungitan at katarayan.

Sa kanya.

Maririnig niyo mamaya inaaway na naman niya si Daddy. Ito naman si Daddy, sobrang mahal si Mommy kaya ayon... ang KAMA ang sagot.

Paanong hindi ko alam? Ikukwento ko pa ba?

Ganito kasi 'yon...

*flashback*

Nagugutom ako noong gabing 'yon at bigla ngang kumalam yung sikmura ko. Mga bandang twelve o'clock na ng hating gabi 'yon.

Aba!

Pagkasarado ko ng pinto, may naririnig akong mahihinang tunog and surprisingly, that kind of sounds are from my parents' room! So, by curiosity lumapit ako sa mismong tapat ng pinto at itinapat sa pintuan ang tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip na lamang ako ng aking bibig nang marinig ang... t*ngina!

MGA HALINGHING NILA! DIYOS KO PO!

Like, wtf! Buti na lang hindi nila alam na nagising ako ng mga ganitong oras. Shaks! I can't take it anymore! Nakakadiring pangyayari, jusko!

At dahil nakakarindi na ang kaingayan nila Mommy, mas minabuti ko na lang na makaalis na doon. Parang kanina lang ay nagsasagutan silang dalawa. Ngayon may ginagawa ng kababalaghan sa kwarto?!??

Hindi ako makaget-over sa narinig ko ngayon. Seryoso? Ganitong scenario pa talaga ang bungad sa'kin? Totoo ba yung narinig ko sa kwarto nila? Tangina! Ung*l 'yon, jusko!

Alam ko 'yon kasi may kaklase akong... alam niyo na. Nanonood ng ano... Basta! Gano'n daw yung ung-nevermind. Pinarinig pa nga ng g*gong 'yon yung mga... Basta, ganon na tunog daw na mga naririnig niya sa every videos na pinapanood niya. Kaya ayan, open minded lang talaga ako. Hahaha! So yeah, that's why I know some about that kind of stuffs.

Bawal po sa mga bata pa ang gano'n na mga bagay. Kahit na anong patungkol sa mga bagay na pang matatanda ay talagang ipinagbabawal po talaga. Pakiusap po, maging masuri po kayo sa mga napapanood ng mga kabataan ngayon. Baka kung ano-ano na po ang mga pinapanood nila. Baka gayahin nila nang dahil sa k'yuryosidad.

Wala lang, sa mga ganitong panahon kasi tapos bata pa ako noong una kong marinig ang salitang... Hayst! Ang hirap talaga kapag may mga batang nagbabasa! Ang bastos pa naman ng bibig ko. Hindi ko pwedeng sabihin eh. Bahala kayo ma-curious.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon