CHAPTER 16

21 4 0
                                    

∞∞∞

Willow's POV

---

Hindi na kami nakasagot ni Nathalie kanina kasi dumating na agad yung teacher namin.

"Class, madali lang ang klase na'tin ngayon. Kasi may meeting kaming mga teachers mamayang hapon kaya baka maaga kayong makauwi." sabi ng teacher namin dahilan para mag-ingay ang mga kaklase ko.

Gustong gusto talaga na walang pasok eh 'no? Hay...

"Ma'am, patungkol saan po yung meeting?" biglang tanong ng kaklase kong babae na nakasalamin kasi in born daw na may sakit siya sa mata.

"Tungkol sa gaganaping Valentine's Day. Kasi 'di ba? Malapit na 'yon. Siguradong marami akong makikitang nagkalat na magka-holding hands sa pathway," paliwanag ng guro namin.
Bir""
Yes, Ma'am. Malapit na nga ang Valentine's Day kaya nag-uumpisa na namang humarot ang karamihan sa pathway kapag nadadaan ako doon. Kahit saang pathway ako dumaan, may mga mag-jowa na parang naka-glue sa isa't isa. Kairita!

Valentine's Day...

Wait a minute...may naisip akong plan.

Ah! Si Nathalie!

Humarap ako sa katabi ko at kinalabit siya kaya napalingon siya sa akin. "Beh, time mo na para magtinda ng mga libro mo ngayon. Pang gift sa mga jowang babae ng ilang boys na readers sa Wattpad," sabi ko habang abot-tenga ang ngiti.

"Oo nga 'no. Tapos lagyan mo ng pa-freebie na isang rose pero plastic lang yung rose na bilhin mo na ilalagay mo ah. Baka mabulok kapag yung totoong rosas," pagsasang-ayon naman ni Zara na bigla, bigla na lang sumisingit sa usapan.

Tumingin sa harap si Nathalie at ibinalik din agad sa akin ang tingin. "Pwede, pero tulungan mo ako mag-promote ng book ko. Don't worry, kapag marami tayong naibenta, sayo yung 30% ng kita. Since it's a self-published books. Okay lang na ako mag mag-decide kung ano ang gusto kong mangyari," aniya at ngumiti.

"Sure! Ikaw naman 'yan eh. Okay lang yung 30% na para sa'kin. Basta meron naman akong parte, hindi ako magrereklamo eh. Basta meron lang," tugon ko rito.

"Kahit wala na akong ka-date sa Valentine's Day. Ang importante ay magkakasama tayong tatlo. Tayo-tayo na lang ang mag-date," ani Zara.

"Yeah, tayo-tayo na lang. Kayo lang naman ang girlfriends ko eh. Hahaha!"

"Willow, yuck! Girlfriends pa nga. Kadiri!" Namumula na ako dito kakapigil ng tawa ko. HAHAHAHAHA! Yung reaksyon ni Zara na diring diri talaga ang the best. Nagmumukha siyang nadudumi na hindi makautot. Hahaha!

Napayuko na lang ako kasi pinipigilan ko talaga yung tawa ko na malakasan. Malalagot kasi kaming tatlo kapag nagkaroon ng tunog yung tawa ko. Sa lakas ba naman naming tumawa. HAHAHAHAHA!

Lalong lalo na ako...

Kaya ayaw na ayaw kong matawa kapag nasa public place kami. Nagrereklamo kasi yung mga kasama ko. Kita na daw ngala-ngala ko kapag tumatawa. Tapos daw ang lakas. Nakakahiya daw.

Samantalang sila, kapag maatawa parang wala ng bukas.

Like, yung tawa ni Zara...para siyang kinakapos sa hininga. Yung tawa naman nitong isa, pana'y "Aha-a-a-a-aha-a-a-a..." yung maririnig mo sa tawa niya.

Napakaingay din naman nila kapag natatawa silang sobra. May pasuntok pa ngang kasama minsan yung kay Zara. Tapos hampas naman kay Nathalie. Kaya kawawa ako kapag pinaggigitnaan nila sa upuan. Nabubugbog ako!

"Tomboy talaga ako minsan," pagbibiro ko.

"G*go! Tomboy daw pero kinikilig sa mga gwapong online sellers. Nako! Tigilan mo nga kami, Willow." Itong mga 'to naman 'di mabiro.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon