CHAPTER 19

16 5 0
                                    

∞∞∞

Zara's POV

---

Hindi pa sumasapit ang Valentine's Day, marami na akong natatanggap na chocolates and flowers. May kasama pnag note. Hindi ko naman alam kung kani-kanino galing ang mga 'yon. Kaya ibinibigay ko na lang sa mga maids namin yung mga flowers. Yung ibang chocolates, kapag may nadadaanan akong mga bata sa kalye, ibininigay ko sa kanila.

Siyempre, maliban sa pagiging mataray ko na namana ko sa nanay ko, may mabuting puso din naman ako. Mabait na anghel kaya ako.

Ang hindi maniniwala, minus ten ka sa heaven.

"Ms. Zara, may nagpapabigay po sa inyo nito," nagulat ako nang ibabot sa akin ng isang kasambahay namin ang isang bouquet ng pink tulips at isang buong Toblerone na malaki.

Ano ba 'yan? Kararating ko lang eh. Tapos, ganito na naman.

As usual.

"Sa inyo na lang po 'yan. Hindi po ako interesadong kaninin yung chocolate na 'yan," sabi ko saka itinulak ng bahagya ang ibinibigay niya sa akin.

"Kawawa naman si Sir. Mukhang hindi niyo siya type. Ang gwapo pa naman na bata," anito bago tuluyang makaalis.

Ang creepy lang ng dating ng ganitong scenario. Kasi kung gusto niya talaga ako at humahanga siya sa akin, magpakilala siya at magpakita ng personal. Hindi yung nagtatago na lang siya at nagbibigay ng kung ano-ano.

Tsaka iba ang kutob ko. Okay pa sana na magbigay siya ng ganito sa mismong Valentine's Day eh. Maiintindihan ko pa. Pero yung sobrang aga, parang iba na. Hindi na maganda 'to.

Anong tawag dito? Pagiging masyadong obssessed? Nakakatakot, hayst!

Napabuntong hininga na lamang ako.

Umakyat na ako papuntang kwarto. Pagbukas ko ng kwarto ko, walang ka-ilaw, ilaw at ang nagbibigay liwanag lang ay ang liwanag mula sa buwan dahil sa nakabukas pa ang kurtina ng kwarto ko. Kaya sinindi ko muna ang ilaw at saka pumasok.

Nang makapasok na ako, isinarado ko ang pinto at inilagay ang aking bag sa couch na nandito. Bumagsak ng katawan ko sa kama nag dahil sa nakaramdam ako ng pagod.

Nakakapagod kasi talaga ang biyahe. Kahit na nakaupo lang ako habang nagmamaneho ng kotse. Pakiramdam ko ay para akong gumamit ng pwersa.

Nang maiunat ko na ang katawan ko ay kaagad din akong bumangon para buksan ang laptop ko. Baka may reply na yung mga members ko sa isang group report. Ako ba naman kasi ang gawing leader.

Porque ba detailed ako maging reporter? Hayst, kinuha lang ba nila ako para gamitin at para tumaas ang grade nila sa Philippine Politics and Governance? Hayst! Bad trip! Ang sarap nilang ibaibag pauntang China.

Nag makuha ko na sa lalagyan ang laptop ko, umupo na ako sa kama at binuksan ito. Binuksan ko ang Messenger ko at chinat si crush na after two days ng message ko bago mag-reply.

–––

Julian Kyruz Valeroso
• Active Now

---

(Me): Hey! Good evening, eat your dinner. 🙂

Sent!

Maya-maya pa'y nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Aba? Himala, agad nag-reply ang isang 'to. Anong nakain nito?

(Julian): I ate some fruits here. By the way, do you know who's Nathalie?

Ayy, nag-chat lang sa akin para lang tanungin ang tungkol sa kaibigan ko. Ang lakas ng loob nitong lalakeng 'to ah. Banatan ko 'to eh.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon