CHAPTER 28

14 2 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Nasaan na ba si Julius? Kanina pa ako naghihintay dito eh. Wala naman na siya.

Lumabas ako ng kwarto nang makapag-ayos na ako ng sarili ko.

Paglabas ko at pagbaba ko papuntang sala...

Bumungad ang isang pamilyar na mukha sa akin. Kasama ang Mommy ko, nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan.

"A-axel?"

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Napatingin din sa gawi ko ang Mommy ni Axel na kakaupo lang sa sofa, pati si Mommy.

Tumayo si Axel mula sa pagkakaupo. "H-hi, Nathalie. Ahm, sinama lang ako ni Mommy dito p-para pag-usapan yung ka—"

"Whatever. Kung tungkol lang d'yan, mas mabuting huwag mo muna akong kausapin. Naiirita din ako sayo."

"N-nathalie, huwag ka naman sanang magalit sa'kin. Sila ang may gusto nito. Oo, bata pa lang tayo ay sobrang hinahangaan na kita. Nalaman iyon nila Tita at Momny kaya ito..."

"Pumayag ka na magpakasal ako sayo? Para ano, Axel? Ha? Sa tingin mo ba mas matutuwa ako kapag napunta ako sayo? Hindi nga kita mahal eh! Kaya paanong sasaya ako kapag ikaw ang pinili ko? Lagi mo nga akong kinokontra, hindi ba?"

Natahimik ang lahat.

Ang kaninang puno ng tawanan ay nilukob ng katahimikan na aakalain mong walang may gustong bumasag dito.

"Nathalie, okay lang na mainis ka sa'kin—"

"NAIIRITA NGA AKO SAYO! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN 'YON?! Hindi lang ako naiinis sayo! Naiirita ako sa tuwing nakikita kita. Bakit? Kasi sa tuwing nakikita kita, naaalala ko yung mga pinaggagagawa mo ngayon. Pumayag ka na magpakasal ako sayo kahit na alam naman nating dalawa na ayaw ko sayo at ayaw kong makasal sayo! Pumapayag ka na tinutukso ako sayo. Pumapayag ka sa laha ng mga gusto ng Mommy ko kahit na ayoko!"

"Anak, gusto ko lang namang maging maganda ang magiging future mo—"

Babaling kay Mommy ang buong atensyon ko. "Future? Future ko? Ang sabihin ninyo, future niyo para sa'kin! Sa ginagawa ninyo, ang akala ninyo hindi niyo binabaliwala ang sariling karapatan ko para magdesisyon para sa sarili ko? Makinig naman kayo sa'kin! Sawang sawa na ako sumunod nang sumunod sa mga gusto niyo, Mom!"

Mainit na mga patak ng luha ang unti-unting umagos mula sa aking mga mata... Ilang taong akong nagtiis at sumunod sa mga gusto nila. Pati ba naman sa ganitong mga bagay, manghihimasok sila? It's totally unfair!

Padabog na akong umalis. Naglakad ako ng diretso palabas ng lugar na iyon. Babalik na lang siguro ako kapag okay na ang lahat. Kapag ma-realized nila na mali ang ginagawa nila. Ayokong bumalik doon hangga't pagkakasundong kasal pa din ang magiging usapan o pag-uusapan.

Pinaandar ko na ang kotse ko paalis ng mansyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa ngayon. Siguro, kila Honey muna? Tawagan ko na din si Zara para may kasama kaming matulog ni Honey sa bahay nila.

Hindi ko din kasi kayang kausapin ngayon ang mga magulang ko. Lalong lalo na si Mommy na nangunguna ng pagpapaplano ng kasal.

***

Ilang sandali pa'y nakarating na rin ako sa tapat ng gate nila Honey. Tinanong ng guard kung sino ako at ano ang pakay ko. Nang makita nila ang mukha ko mula sa bintana ng kotse ko nang ibukas ko ito, agad nila akong pinagbuksan ng gate.

"Pasok na po kayo, Ma'am. Nasa loob po si Ma'am Honey," ani Kuyang guard.

Tinaguan ko na lamang siya at iminaneho na ang kotse ko papasok. Malayo pa lang ako, rinig ko na ang boses ni Honey. Baka kaaway na naman niya kasi ang pinsan niyang si Winx. Magkapidbahay lang kasi itong daawang 'to kaa lagi silang magkasama.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon