CHAPTER 27

17 2 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Bukas na ang book signing na magaganap. Sabi sa akin ni Charlie, sasabay siya sa akin. Wala namang problema doon kasi iisang event lang din naman ang pupuntahan namin.

Wala kaming pasok ngayon, Holy Day eh. Kaya nakakabuyong dito sa bahay. Gusto ko maglagalag kasama yung dalawang mokong. Kaso, baka busy yung isa sa mga babae niya. Tapos itong isa naman ay baka busy kakahanap ng iba't ibang libro, o busy sa pagbabasa.

Ah! Meron pa akong isa!

Matawagan nga!

*kriiiiiiing! kriiiiiing! kriiiiiiing!*

"Hello, Nathalie?"

["Yes? Bakit ka napatawag?"]

"Pwede magpasama?"

["For?"]

"Gusto ko gumala at syempre, na-miss kita. Kaya please? Kung hindi ka busy, pwede mo ba ako samahan?"

["Eh? May bisita kasi kami dito sa bahay. Kung gusto mo, pumunta ka na lang dito sa amin. Dito tayo, gusto mo? I-chachat ko yung exact address. But, promise me that you won't tell to anyone else, okay?"]

"Sure, Miss A! Makakaasa ka."

["Good! That's good para na rin malinaw. Baka kasi aksidenteng masabi mo sa iba. Kilala mo naman ako 'di ba? I need privacy."]

"Yes! Copy!"

["Sige, I'll hang up this call and then I'll send our complete address na. Okay?"]

"Okay, see you later."

["Okay! Bye, bye!"]

"Bye, bye."

After my response, the call ended just like that.

Ilang sandali lang ay nakatanggap na ako ng text message mula sa kanya. Dali-dali akong sumakay ng kotse ko at kaagad na tinungo ang bahay nila Nathalie.

Habang nasa biyahe ako, medyo kinakabahan ako kasi, what if nandoon yung mga magulang niya? Tapos tanungin kung sino ako. Hindi ako papayag na ipakilala lang ako bilang kaibigan. Pwede naman bestfriend, haha!

Pero ang pangit!

Ayoko!

Pero kasi...

Nagmumukha na akong mayabang nito, bwisit!

Hay! Bahala na nga!

Imbis na dumada dito at kung ano-anong isipin, binilisan ko na lang ang pagmamaneho ko. Ayoko pa naman pinaghihintay ang future wife ko—fine! Ang feelingero ko na masyado. Baka mausog, kaya dapat chill lang.

Nasa kalagitnaan ako ng biyahe ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako rito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, hindi ko na lang iyon pinansin.

Pero, t*ngina naman oh! Paulit-ulit ba naman akong tawagan ng mga mokong na 'to. Bad trip!

"Ano?!"

["Nasaan ka na? Naghihintay kami dito sa bar."]

"Kayo? Nino?"

["Ng mga girls. May ine-expect ka pa ba na nandito sa bar? Sino? Si... sino na ulit 'yon? Si... 'yon! Si Nathalie? Haha!"]

"Bro, lasing ka na. Tama na 'yan. Umuwi ka na."

["Ayoko pa... Nag-eenjoy pa ako sa mga girls dito... Hey girls! Come here on my lap! Dance with me... Yoohoooo!"]

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon