CHAPTER 26

27 6 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

"Nakita mo na yung bagong announcement? May book signing daw yung si Acads King tsaka si Kuya Perish?" anitong si Charlie habang nakatingin sa screen ng phone niya.

"Oo. Kanina ko lang din nalaman," sagot ko.

Tumingin ito sa akin, "Pupunta ka?"

"Siyempre! Nabasa ko na din ang ilang stories ni Acads King kaya malamang, pupunta talaga ako." Hindi pwedeng wala ako doon. Magpapapirma na din ako ng mga libro nila na nabili ko lang last week.

"Baka hindi nga ako makapunta eh."

"Bakit?"

"May training ako at pinapasama ako ni Daddy doon. Para naman daw maging flexible ang mga buto ko at hindi pana'y libro ang hawak ko. Tss! Nakakainis nga eh," tugon nito.

Napatingin kami dito kay Wesley na biglang inubo habang natatawa pa. "Ha? Seryoso... (*u-hoom!*) .... Isasama ka sa training? Para ano? Mabalian ka ng buto? Hahahahaha!" Grabe talaga itong si Wesley kahit kailan. Mamaya nagsagutan na naman itong dalawang 'to. Loko-loko kasi eh.

"Alam mo, Wesley? Wala namang masama sa pagpasok sa training. Try mo din kaya. Akala mo naman marunong sa self-defense, hindi mo nga madipensahan mga sampal ni Tita. Hahaha!" bawi sa kanya ni Charlie na siyang ikinatawa ko.

Tamang tama 'yan. Totoo talaga iyan, Charlie. Hahaha!

"Akala mo naman mga hindi napapagalitan itong mga 'to. Akala mo perpekto eh. Siyempre, nanay ko 'yon. Alangan namang patulan ko, 'di ba? Mag-isip nga kayo! Pana'y kayo kalokohan." Hiyang hiya kami sayo, Wesley. Makasabi ng loko-loko kami, akala mo naman hindi din siya gano'n.

"Alam niyo? Ikain niyo na lang sa canteen 'yan. Gutom lang 'yan." Iniba ko na lang ng topic. Baka magkainitan pa yung dalawa dito sa harapan ko. Baka madamay na naman ako.

"Ayoko, dito na lang ako sa classroom. Nakakatamad kumain."

"Ayy, wow naman. Diet 'yan? Nagda-diet ka na pala ngayon, Wesley?"

"Malamang! Mawawala ang kapogian ko kapag tumaba ako ano? Ano na lang sasabihin ng mga girls sa bar? Ang baboy ko tingnan? Hayst!"

Ang yabang talaga nitong si Wesley kahit kailan. NGSB naman hanggang ngayon kasi playboy. Wala yatang balak bumuo ng sariling pamilya ang hayop na 'to kaya ganito.

"Tara na nga, Charlie! Hayaan mo na 'yan. Binubuhat na naman ang sariling bangko," natatawa kong aya kay Charlie saka siya hinila palabas.

Habang naglalakad kami, nakasagap ang ilong ko ng isang mabangong amoy mula sa kanan ko. Galing kasi sa silangan ang hangin pa-kanluran. Kaya maaamoy ko kung ano man ang mga amoy na galing sa silangan ko.

Napahinto ako para tukuyin kung anong klaseng amoy 'yon. Kaya pati si Charlie ay napahinto at tinatanong ako kung bakit ako huminto. Ang sarap kasi laghapin eh. Nakakagutom!

"Naaamoy mo 'yon?" tanong ko dito sa kasama ko.

"Ang alin—uy! Amoy burger na fries na... amoy ginisa?"

"Gagiks! Nakakagutom kaya. Amuyin pa na'tin?"

"G*go! Bakit hindi na lang na'tin sundan para malaman na'tin kung saan nagmumula yung nalalanghap na'tin 'di ba?"

"Tama! Ang laki ko talagang tanga. Pasensya na."

"D'yan ka tumama. Tara na nga!"

Aba! Ang kapal na nga ng mukha, ang lakas pa ng loob na sabihan ako ng gano'n. Tsk! Mamaya subukan mo lang magpalibre. May pera ka naman, tamad ka lang talagang gumastos, tsk!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon