CHAPTER 20

24 5 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

*kinabukasan...*

Katulad nga ng normal na umaga. Pagkagising ay maghihilamos. Bababa ng hagdan para pumuntang kusina at para magtimpla ng gatas.

Pero hindi ganyan ang inaasahan kong mangyari. Dahil pagbaba ko, nakahanda na lahat at may... isang bouquet ng white roses doon sa lamesa?

Kanino kaya 'yon?

"Yaya! Yaya, may itatanong ako. Yaya!" pagtatawag ko sa Yaya ko.

Kaagad naman itong lumapit. "Po?"

Itinuro ko yung mga bulaklak. "Kanino 'yon?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya dito pero kaagad din niyang ibinaling ang tingin sa akin.

"Galing po sa lalakeng matangkad na makisug kanina na pumunta dito, Ma'am. Tinanong po namin—"

Hindi pa natatapos ng Yaya ko sa pagpapaliwag nang biglang naputol iyon ng nagsalitang kung sino man mula sa likuran ko.

"Galing kay Axel iyan, apo. Sigurado akong siya ang nagpadala niyan sayo. Siya lang naman ang lalakeng alam naming babagay sayo," putol nito.

Si Lola talaga, shiniship pa din kaming dalawa.

Pero hindi ako naniniwala na si Axel ang nagbigay nito. Dahil hindi mahilig magbigay ng bulaklak 'yon. Ever since noong unang maging magkaibigan kami.

Lumingon ako at hinarap ito. "What if sabihin kong hindi ko gusto para sa sarili ko si Axel, Lola? Magagalit ka ba sa akin?" tanong ko rito.

Hindi siya kumibo. Instead, she let out a deep breath and walked away. She left me without any words. This thing only means that she really wants me to marry a man like Axel, or si Axel mismo ang pakakasalan ko.

Alam kong maimpluwesya ang buong angkan ng mga Mirandova pero ayoko. Ayokong maikasal sa lalakeng hindi ko gusto at hindi ko mahal.

Tapos hindi pa malaki—hoy! Sumobra na yata ako.

Ganyan talaga ako bilang author. Minsan nawawalan ng preno ang bibig. Madalas pang lutang. Laging nag-iimagine ng kung anu-ano.

Basta! Ayaw ko kay Axel na ipahkasundo ako. Sa iba na lang, basta huwag sa kanya. Sadyang ayaw ko sa ugali niya. Tapos puno pa ng misteryo ang katauhan niya. Like, hindi mo mababasa sa mukha niya kung natutuwa ba siya o hindi. Parang laging seryoso. Walang thrill ang magiging love story kung siya man ang mapapangasawa ko. Kaya todo tanggi talaga ako.

Tapos, shuta! Todo ship pa din sila Mommy sa amin. Eh, mukhang ayaw niya nga din sa'kin. Walang problema doon kasi ayaw ko din naman siya.

***

Umalis na ako ng bahay at pumasok na pero nagsuot lang ako ng red crop top at blue pants, saka ako nagsuot ng white rubber shoes. Sling bag nga lang ang dala ko ngayon, since today is a Valentine's Day.

Red yung isinuot ko kasi para, you know...

Feeling in love kahit na ang totoo ay mas malala pa ako sa ampalaya sa ka-bitteran ko. Basta, I hate hearing lies. Like, they're sincere to you when your relationship will begin, but in the end, you'll end up crying in the edge of your room non-stop.

Like, wtf?!

Just don't try to enter in a relationship kung magpapaito ka lang din naman, 'di ba? Too bad if you'll realized it but it's too late to change everything, to fix every pieces. Sa dulo, ikaw lang din ang mag-isang magmamakaawa at dahil sa katangahan, ituturing kang parang hindi naging parte ng buhay nila.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon