CHAPTER 22

19 5 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Pagkabalik ko sa lugar kung saan magaganap ng date namin ni Nathalie, hindi ko mapigilang mamula. T*ngina kasi! Haha! Yung crush ko! Woah!

Tama naman siguro yung mga narinig ko kanina mula sa kanya. Sana hindi joke 'yon.

Kasi kung joke lang lahat 'yon?...

Masakit. Haha!

"Ehem! Dito ba 'yon?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon mula sa likuran ko. Unti-unti akong humarap dito, nang makita ko siyang pinagmamasdan ang paligid ng lugar kung saan ko siya i-dedate ngayon, hindi ko mapigilag hindi kiligin.

Siya na 'to oh! Ang hinahangaan ko, ang idolo ko, at gusto kong babae.

"N-nathalie..." utal kong tawag sa kanyang pangalan, habang ramdam ko naman ang kaba at saya na halos kumawala na ang aking puso sa aking dibdib.

"Tutunganga ka na lang ba d'yan? Ganda ko 'no? Crush mo na naman ako niyan."

Kung alam mo lang kung gaano ka kaganda ngayon sa paningin ko, Nathalie. Feeling ko nga, ikaw na ang pinakamagandang binibining nakilala ko sa buong buhay ko.

"Lagi naman kitang crush na crush. Ikaw lang naman ang may ayaw sa'kin," pagbibiro ko rito.

Tumawa ito ng bahagya, "Siraulo ka. Tigilan mo nga ako."

Weh? Ngayon na nalaman kong inaangkin mo na pala ako kahit wala pang tayo? Tapos sinasabi mo ngayon na titigilan kita? Haha! Hindi ko gagawin 'yon. Hinding hindi.

"Tigilan? Di ba kanina nga lang, kung makaangkin ka sa akin, parang tayo talaga. What if?"

"What if, what?"

"What if totohanin na'tin na tayo?"

Kumunot ang noo nito, "Hindi ka pa nga nanliligaw at 'di pa nga kita nakikilala ng lubos, magiging tayo na agad? Utot mo, uy!"

Ang cute mo talaga at ang ganda mo mainis, hayst! Huwag maging marupok, Julian. Magpakatatag ka! Kaya mo 'yan.

Pero, t*ngina! Wala talaga! Nanghihina ako sa kagandahan niya. Pwedeng iuwi mo na ako, Nathalie?

Siyempre, joke lang! Mamaya may kamag-anak pala silang sundalo tapos bigla akong barilin. Baka mawalan pa ng magiging poging asawa si Nathalie, sayang naman ako.

Mahina itong natawa.

"So, friendly date ba 'to?" tanong niya sa'kin.

"Friendly date? Hindi ah! Valentine's Date tawag dito. Ikaw yung dinala ko dito kasi gusto kita i-date," sagot ko naman.

"Valentine's date... Ahh, okay. So, pwede na ba akong umupo?"

Nanginginig ako gagi!

"O-oo, halika na dito," tugon ko rito na sinabayan ng malawak na ngiti.

Pinagsilbihan ko siya na parang prinsesa ng buhay ko. Actually, hindi lang siya prinsesa sa paningin ko eh. Isa siyang reyna para sa'kin...

At ako ang kanyang hari.

Pero hindi mangyayari 'yon hangga't hindi nagiging kami. Hindi naman ako nagmamadali, naiintindihan ko naman ang point niya kaya ibibigay ko ang oras na kailangan niya kasi ayaw ko naman siyang ma-pressure nang dahil sa gusto kong mangyari sa pagitan namin.

Automatic na lumapit ang gumaganap na waiter ng booth na 'to. May mga available na pagkain sila dito sa booth. Ito din ang pinakaenggrandeng booth sa lahat ng mga booth.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon