CHAPTER 6

27 7 1
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Kinabukasan...

Kararating ko lang sa school namin ngayong araw at napakagandang bungad ang inihanda sa amin ni Zara. Sana pala pinauna ko na sila sa classrom eh.

Hayst!

"Nathalie!" tawag sa akin ni Zara kaya napalingon ako.

"Ano? Tsismis?" tugon ko.

"Ahmm... Gusto ko lang ipaalam na may poging nag-comment sa post mo. Like, waaaaah! Ang pogi niya talaga!" anito.

Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"At sino naman 'yan? Ako, huwag niyo akong chinacharing-charing ah."

"Oo nga! Check mo kasi para maniwala ka." anito na siya namang sinunod ko. Siyempre, magpapauto na naman ako. Hahaha!

Nakita ko nga ang sinasabi niya.

"HAHAHAHAHA! AHAHAHAHA!.." natawa na lamang ako nang dahil sa nalaman ko.

"Oh, bakit ka tumatawa d'yan? Anong nakakatawa sa nakita mo? Hindi ba gwapo?" sunod-sunod na tanong niya na siyang mas lalong ikinatawa ko pa.

"Ano? Tatawa ka na lang ba d'yan?" Ayoko na ngang inisin. Hahaha! Baka mamula naparang sili sa inis, tapos baka magtampo. Ang hirap pa naman manuyo ng bestfriend na hindi marupok.

"Kilala ko si Perish 'noh!" tugon ko sa kanya.

"What the—really? OMG! May bagong ship! PerThalie! PerThalie! PerThalie!" Tingnan niyo nga naman 'tong si Zara. Nangshi-ship na naman.

"Luka-luka! Pinsan ko siya, hayst." saad ko sabay irap.

Nanlaki ng mga mata niya sabay sabing, "What?!"

Napailing na lang ako. Akalain niyo 'yon? Pati sa pinsan ko ay balak akong i-ship nitong kaibigan ko. Porque ba hindi ako nagkaka-jowa ng matagal na panahon? Hahaha! Siraulo talaga.

"P-pinsan?"

Mukhang di siya makapaniwala ah.

"Oo nga, paulit-ulit na lang ah." reklamo ko.

"Tss. Okay na sana eh. Akala ko may love life ka na soon. Bakit sa lahat-lahat pa kasi ng mga magiging pinsan mo, bakit siya pa?"

Hindi pa din niya tanggap. Hahaha!

"Eh ano namang magagawa ko? Eh siya nga ang itinadha para maging pinsan ko." tugon ko.

"Aha! Akin na lang siya! Kyaaaaaah! Kung hindi kayo pwede kasi magpinsan kayo, kami na lang." Sige, mangarap ka lang d'yan, Zara. Hahaha! Ewan ko kung papatol sayo yung pinsan ko. Goodluck na lang sayo.

"Urgh! Ewan ko sayo. Pana'y ka love life. Pwede bang mag-focus ka muna sa pag-aaral mo? Saka na 'yang love life, love life na 'yan,"

"Tsk! Ang KJ mo,"

"Palibhasa kasi wala akong jowa. Gano'n ba?"

"Oo, pero charing lang. 'To naman! Di na mabiro. Siyempre, uunahin ko yung panlalandi sa pinsan mo—este.. pag-aaral ko. Para alam mo na... para sa future namin ng pinsan mo. Hahaha!"

"Ewan ko sayo." sabi ko sabay irap sa kanya.

Iba talaga kapag sikat ka. Hindi ka lang hinahangaan. Ang gusto pa ng iba, mapasakamay ka. Kaya ayokong maging sikat. Papangarapin ka na nga lang, gagawa pa ng paraan para lang makuha atensyon mo. Para kasi sa akin, nakakagulo lang ang pagiging sikat sa normal na buhay ko.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon