Chapter 2

311 9 0
                                    

"Ms. President?" our adviser called. I raised my hand. "I need you in the faculty room. May ipapagawa ako sa'yo para sa recognition."

I nodded and stood up. She smiled sweetly and I follow her. She's in her forty I think?

"I hope you're not busy or maybe call your parents so they won't be worried if you'll be late?"

I nodded. "Sige po."

Nauna nang pumasok si Ma'am kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at tinext si daddy. Ayokong tawagan siya dahil baka busy sa office, ayoko namang maging clingy'ng anak. Yaks, not my role to play.

"Anak, ipapasuyo ko lang sana ito. You'll just going to attach these stickers in each boxes. I'm sorry talaga ha, may urgent meeting kasi kami para sa practice bukas ng mga graduates, 'nak. Babalik ako rito." sabi nito at lumabas na ng faculty.

Napabuntong-hininga ako. Mas okay pa 'to kaysa sa umuwi ako sa bahay ganoon din naman, mag-isa rin ako. Bakit nga ulit ako na-nominate bilang president?

'Si Yanai na lang po, Ma'am para masuntok niya lahat nang aapi sa section natin!'

I shook my head. I can't believe they nominated me because of that reason. Do I really look like a badass? Sadyang hindi lang ako kasing bait ng iba at mas lalong hindi ko kayang magpanggap na mabait kahit na pangit talaga ugali ko.

"It's fine, Sir."

"A brief meeting will happen so hindi naman siguro kami gagabihin."

Nagfocus ako sa ginagawa ko at hindi na nilingon ang mga taong pumasok kahit na pamilyar sa akin ang boses. Narinig ko pang sumarado ang pinto.

"Yaziah?"

I tilted my head and looked at him. He creased his forehead and roam his eyes in the faculty room.

"Ikaw lang mag-isa?"

I rolled my eyes at him. "Obvious ba? May nakikita ka bang kasama ko?" sarkastiko kong tanong.

"Bakit ikaw lang mag-isa?" nakakatanga niyang tanong.

Inis kong inalis sa pagkakadikit ang sticker at sinimangutan siya.

"Nakakatanga ka na ah. Ano bang ginagawa mo rito?"

"May pinapa-encode si Sir. Ikaw? Marami pa ba 'yan?"

Umupo ito sa tapat ko at sinilip ang tambak na mga box ng medal. Kumuha siya ng isa at tinitigan.

"Can I help you?"

"No. Mag-encode ka na para matapos mo na agad."

"Yeah I should start now para matulungan kita pagkatapos ko."

Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't need your help, Gallero. I can do it alone." inis kong sabi at tinuloy ang ginagawa.

"Yeah sure." he said mocking at me.

Hindi ko na siya pinansin at hinayaan na gumawa sa pinapagawa ng teacher niya.

Nangangalahati na ako nang umupo ulit si Heiz sa tapat ko at nangalumbaba. I glared at him.

He looked at me with his amuse face. Mas nainis ata ako dahil nagawa niya pang maaliw.

"Are you done?" taas kilay kong tanong dahil nakaayos na ang laptop ng teacher nila at maayos na ang desk.

"Yep." he nodded. "So, can I help you now?"

I sighed and nodded. Medyo madilim na rin at nangangawit na ang braso ko. Agad siyang tumabi sa akin. Kinakausap niya ako paminsan-minsan at tinatanong kung nagugutom na o nauuhaw. Lagi namang hindi ang sagot ko.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon