Chapter 16

233 7 6
                                    

"Anong drama 'yon?" Inakbayan ako ni Klaus.

Tinampal ko ang braso niya at masama siyang tiningnan.

"Ano na naman ba Santa Klaus?"

Napangiwi ito. "Nagpost ka sa IG, ano 'yon? Bakit may paganoon?"

"Pumunta ka lang ba dito para mang-inis?"

Tumawa siya. "Hindi ah. Ang bait-bait ko kaya para mang-inis. I came here to see your sexytary."

Napairap ako sa ere. "Absent, naghahanap ng sugar daddy."

"What? Oh, wala siyang mahahanap. Andito ako eh."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At talagang gagampanan mo ang pagiging sugar daddy para kay Sierra?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman." Proud na sabi niya.

Napailing-iling na lang ako at hinayaan siyang mangalkal sa opisina ko. Binuksan pa niya ang mini-refrigerator at mini-cabinet.

May kumatok habang kumakain si Klaus. Walanghiya, nagpunta lang dito para kumain.

"Come in!" I shouted. Agad na pumasok si Sierra na umiiyak.

Kumunot agad ang noo ko habang tinitingnan siyang tumatakbo palapit sa akin at niyakap ako. Ang lakas nang hagulgol niya. Nakita kong tumayo si Klaus at biglang naalerto sa nakita.

"A-ang sama-sama niya!" Sigaw niya habang umiiyak sa akin.

Napatingin ako kay Klaus na nag-aalala habang nakatayo, hindi alam kung lalapit ba o hindi.

Hinaplos-haplos ko ang likuran ni Sierra habang siya ay sobrang higpit ang yakap sa akin. Para siyang bata na inagawan ng pagkain.

"What happened Sierra?"

Natigil si Sierra sa kakaiyak at tiningnan si Klaus. Napaawang ang labi ni Sierra, hindi inaasahang masasaksihan ni Klaus ang pag-iyak niya.

Hindi sumagot si Sierra. Umiwas ito ng tingin kay Klaus na ikinatiim-bagang ng lalaki. Agad itong lumapit kay Sierra at humalukipkip.

"A-anong ginagawa mo rito?" Mataray ngunit halata sa boses na nanghihina ito.

"Why? Bawal ba?" Malamig na tanong ni Klaus, ibang-iba sa natural na boses niya.

Napailing-iling na lang ako. Hindi ko alam kung tama bang masaksihan ko ang drama nila.

"H-hindi." Nagpunas si Sierra ng luha bago pasalampak na naupo sa couch.

"So what happened?" Naupo na rin si Klaus sa tabi ni Sierra. Agad namang sumimangot ang babae.

"'Yong gagong Hades na 'yon! Nakita ko kaninang may kahalikang iba."

Natahimik si Klaus habang nakatitig lang kay Sierra.

"Tapos pumasok sila sa Hotel..." Umiiyak na naman siya.

"So? That's fine if they are together, Sierra. Why the hell are you crying?!" Inis na tanong ni Klaus.

"Because I like him!"

"He doesn't like you." Prankang sabi ni Klaus.

I nodded. Totoo naman e. Kung gusto man ni Hades si Sierra ay niligawan na niya ito at hindi pinapahabol, hindi naman siya gold para habulin.

"Alam ko! Kaya nga masakit...kaya nga ako umiiyak ngayon!"

"Amethyst, I gotta go." Sabi ni Klaus habang nakapamulsang tumayo. Napaawang ang labi ni Sierra.

"U-uuwi ka na?"

Kumunot ang noo ni Klaus habang nayuko at nakatitig kay Sierra.

"What do you want me to fucking do Sierra? Stares at you while you're fucking crying?" Sarkastiko niyang tanong, ngunit galit ang tono.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now