Chapter 6

214 7 0
                                    

"Sorry, medyo naging busy." I said and fixed my eye glasses.

"It's fine." sabi nito, kita ko ang pagod sa mukha niya habang nakatitig sa screen ng laptop niya.

Napangiti ako. "Baby, inaantok ka na?"

Natigilan siya habang nakatitig sa laptop niya kaya akala ko nakatulog siyang dilat.

"Hm?" biglang napakurap-kurap siya at tinitigan ako. "Nakakagising ang ganda mo, so no."

I chuckled. "Aba, bumabanat ka na rin ah?"

He laughed. Nakita ko na lang ang nguso niya sa screen, kinikilig naman ako na tumawa nang mahina.

"Ang ganda mo." he said huskily.

"Matagal ko nang alam. Kaya ka nga patay na patay sa akin e."

He laughed loudly. "You're suppose to act like you're flattered!" tumatawa pa rin siya.

Napatitig ako sa mukha niya. Ang priceless lang makitang ang saya niya...sa akin.

"Oh I'm flattered!" I acted like I was tearing up.

He shook his head and stares at me with a smile on his face. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ang swerte ko, imagine nahintay niya ako hanggang sa mag-18 ako not just he waited but his feeling is consistent. Ni wala siyang ibang nagustuhan maliban sa akin na sa mahigit ilang taon niya akong nagustuhan ay wala akong nabalitaang niligawan at naging girlfriend niya.

"You should sleep now." after our two hours of talking he said.

I pouted. "Sa isang buwan ito ang pinakamatagal nating pag-uusap, don't you missed talking to me?"

He looked at me with his serious look and I pouted more, I heard him groan.

"Baby, God. You're so cute." he whispered and ruffled his hair. I chuckled huskily. "Damn it, why you have to be that cute?!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tinitigan siya.

"Wala e, pinagpala. Cute na nga, maganda pa. Saan ka pa? Sa akin ka na."

He laughed. Ang saya-saya naman niya sa akin. "I'm always yours, baby."

"'Di ka sure."

"One hundred percent sure." he thumbs up.




I ignored my daddy and his girlfriend when I visited our house, they are fighting and I don't have time listening to them. Ayokong masira ang araw ko, bumisita lang ako sa bahay na ito dahil namiss ko ang kwarto ko.

Hindi rin naman nila ako napansin dahil sa sigawan nila kaya naman nagkulong ako sa kwarto.

Nagpinta ako nang ilang oras sa loob at nang matapos ay napangiti ako.

My first ever bright painting. It was a sunrise and a green field. I don't know if my painting reflected my mood but maybe. Masaya ako ngayon dahil meron na akong lalaking nagpapahalaga sa akin at nag-aalga, well not literally.

"Amethyst!" sigaw ni Daddy mula sa labas ng kwarto ko. Napairap ako sa ere, napansin niya pala ako? Wow.

Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin ang galit niyang mga mata. Kumunot ang noo ko, anong ginawa ko?

"May kikitain tayo mamayang dinner, I'll text you the restaurant."

"Ha?"

"May dinner tayo mamaya! Nabingi ka na ba?"

Napangiwi ako. "I'm fine eating alone in my condominium dad."

"Hindi ko tinatanong kung okay lang sa 'yo, sinasabi kong sasama ka sa dinner mamaya, sasama ka." sabi nito at padabog na umalis sa harapan ko.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now