Chapter 9

191 9 4
                                    

Nasa labas ako ng club, nagpaalam ako na magbabanyo but I immediately went here. Hindi ko pinayagang samahan ako ni Catana kahit na nagpumilit ito. Hindi ko kaya...

Suminghot ako at nilabas ang cellphone na kanina pa nagvavibrate sa bulsa ko. Pinunasan ko ang luha ko at sinagot ang tawag.

"Amethyst, where the hell are you?!" Galit na tanong ni Danica sa kabilang linya, nanginginig ang boses niya.

Suminghap ako. "Why?" I calmly asked.

Umiiyak siya sa kabilang linya. "A-ang daddy mo! Ang daddy mo! P-please umuwi ka muna rito!!"

Natigilan ako. Anong nangyari kay Daddy?

"What?! Anong nangyari kay Daddy--Danica?! Hello?!"

Napamura ako nang makitang end na iyon. Napasambunot ako sa buhok ko at tumingala. So much for this night!

"Yaziah."

Nanigas ang katawan ko dahil sa boses na tumawag sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko siyang nilingon. Nakatiimbagang ito at nakapamulsa. Nakatitig sa akin nang matalim.

Umiwas ako ng tingin at tinago ang cellphone.

"What?" Walang gana kong tanong, malamig.

He licked his lower lip and looked at me with his intense stare.

Nakatitig lang siya sa akin, hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero may nakita akong lungkot na dumaan sa mga mata niya. Isinawalang bahala ko 'yon at matalim siyang tiningnan.

"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Bumalik ka na sa loob." Malamig ko pa ring sabi.

"Why didn't you wait for me?" May pait na sa boses nito.

Napaawang ang labi ko. Naninikip ang dibdib ko, alam ko naman na kung saan hahantong ang usapan na ito. Hindi ko siya uurungan, ipapamukha ko sa kanya kung gaano siya kagago.

Natatawa ko siyang tiningnan, sarkastiko. "At sinong tanga ang maghihintay sa taong may kinakalantari nang iba?" Naging mapait ang boses ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at ang pagdaan ng galit doon. Siya pa ang galit?

"What do you mean?" Malalim niyang tanong, ang baritonong boses niya ay nabahiran ng inis.

"Hindi pa ba malinaw? O baka gusto mong maglokohan pa tayo rito?"

Hindi siya umimik. Natawa ako ng mapakla. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Kasal na ako." Nakita ko ang pagdilim ng tingin niya sa akin at ang pag-igting ng mga panga niya. "Magtatatlong buwan na."

"I know." Nahihirapan niyang tugon.

Suminghap ako. "So ano pa bang pag-uusapan natin?"

"Why?" Lumamlam ang mga mata niya, bahagya akong napaatras. "W-why Yaziah? Akala ko ba...hihintayin mo ako?"

"Why would I do that?!" Pilit pinapatatag ang nanginginig na boses.

Pinisil nito ang ilong niya at napasambunot sa buhok.

"Because that was our promise..."

Kanina ko pa minumura ang sarili ko dahil nagagawa kong saktan ang lalaking ito. Kumikislap na ang mga niya at konting push na lang, makikita ko na ang ebidensiya.

"Kagagahan ko lang kung bakit ako pumayag sa promise na 'yon. Kalokohan lang ang lahat..." Humina ang boses ko.

"No, of course not!" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napakislot ako at tinabig ang kamay niya.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon