Chapter 14

204 7 0
                                    

"Tangina, nakagraduate na tayo! Ang pogi ko talaga."

"Shut up Klaus, wala ka nang nasabing totoo!" Hirit ni Hades.

"Inggit ka ba brad? Nagkakandarapa ang mga babae sa akin kanina makapagpapicture lang, nakakahiyang hindi pansinin mukha silang kuting."

"Ulol, baka mukhang sisiw. Pakyu ka." Nagmiddle finger si Hades kay Klaus.

"Manahimik kayong dalawa." Binatukan ni Catana silang dalawa kaya napailing-iling na lang ako.

"Bakit ba pinagtityagaan natin ang mga kulugong 'yan?" Mahinang bulong ko kay Catana.

"I don't know, tara na iwan na natin 'yang mga pangit na 'yan." Hinatak na ako ni Catana paalis sa open field kung saan ginanap ang graduation ceremony.

Nauna na kami ni Catana papunta bahay, nagpahanda kasi si Tita Danica. Oh well, we're good na, nakapag-usap na kami.

"Mabuti at napaaga kayo. I'm sorry I didn't made it." She was referring to attending my graduation.

"It's fine, andoon naman ang mga Tita ko."

She sadly smiled. "You made it."

I nodded. I made it...finally!

Noon, ang pangarap ko lang ay makapagtapos at makuha ang mana sa company pero ngayon...matapos ng lahat nang pinagdaanan ko ay nagbago ito. Yes, I still want the company especially now that it is in my name. Pero hindi dahil gusto ko lang ang kompanya, kundi dahil napamahal na rin sa akin ito lalo na ang paghahandle ko roon.

Noong una hindi talaga madali lalo na at estudyante pa lang ako but as the days goes by, natututunan ko rin naman. Mahirap talaga dahil hindi ako pamilyar, wala naman akong pakialam noon sa kompanya e basta alam ko maraming pera ang pumapasok sa amin dahil doon.

Habang dumadaan ang mga araw, buwan at taon parami nang parami ang mga taong nakikilala ko sa industriya na kinabibilangan ko. I am now the CEO of our company, officially. Noon kasi parang nagsub lang ako kay daddy ngayon ay totoo na talaga, pangalan ko na ang nasa mga article na CEO ng kompanya namin.

"Good morning Ms. Yanai."

"Good morning po."

"Magandang umaga Ms. Yanai."

Tuwid ang lakad ko habang nakatitig sa daan. Hindi ko sila tinatapunan ng tingin, maliban sa ayokong masira ang araw ko ay ayoko rin talaga silang pansinin.

"I still don't know why he can't like me back." She sighed and sat on my couch.

I didn't looked at her. "Pangit ka pa rin sa paningin niya."

"Oh nor," she said in a british accent. "I'm pretty sure that's not true. Nastar struck nga siya sa akin last night eh."

I hissed. "You're assuming Sierra, I don't think he likes you just because he found you pretty kahit na ang hirap paniwalaan."

"Kaya ka hindi nagkakaboyfriend e!"

I glared at her. "Hindi mo ako naiintindihan, I don't like having a boyfriend. Kung gugustuhin ko sa isang tawag lang magkakaroon ako, Sierra. Pero ayoko, dahil mga gago sila. Kaya kung ikaw, gusto mo na talagang magkaboyfriend sabihan mo ako at ilalakad kita kay Hades kahit hindi ka type n'on."

She laughed like crazy and sat infront of my desk.

"Talaga?! How much?"

"Barya ko lang ang perang nasa bank account mo Sierra, kapag hiningi ko 'yon para na rin akong nang-api kaya keep it."

"Napakabait mo talaga! You're a good-bad bitch!"

I kept my promise to her. Nilakad ko silang dalawa ni Hades, they know each other dahil magkakaklase kami noong graade 12. I don't know if they will click or not.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora