Chapter 18

270 7 0
                                    

It's funny how the fate works.

"We'll get going Ame," lingon sa akin ni Riguel at sinulyapan si Heizer. Tinanguhan niya si Heizer bago binuhat ang tulog pa rin na anak. Napangiti ako.

Pumunta lang ata rito para ituloy ang tulog niya, ang aga kasi nagising kanina.

"Sa inyo ba muna siya matutulog? Ipagpaalam mo sa Lola niya baka hanapin siya."

"Yeah, I will. Ingat sa pag-uwi." Paalam nito.

"Kayo rin." Sabi ko at tinanaw na sila palabas ng opisina.

Nabaling kay Heizer ang paningin ko na hindi ko na mabasa ang ekspresyon. Masyadong blanko, kulang na lang mawalan siya ng mukha.

"That little boy's living with you?" Biglang usal niya.

Napatitig ako sa kanya, nakatitig din naman ito sa akin na para bang naninimbang. Tumaas ang gilid ng labi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. He's just...too much. His stares. His presence and...everything about him.

"Y-yeah. Busy masyado si Riguel kaya naman sa amin siya iniiwan dahil nasa bahay lang din naman si Tita Danica. She loves that little boy." Napangiti ako.

Paanong hindi mamahalin kung sarili niya itong apo?

"I see. So why don't you live with them in his father's house?"

Tumaas ang kilay ko habang nakatitig sa keyboard ng laptop ko.

"You mean live-in?" Inangat ko ang tingin ko.

Nahuli ko ang matalim niyang tingin sa akin pero agad ding nawala. Tumango siya.

"Why? We're not couple. We don't even have feelings with each other. Bakit mo naman natanong? I mean...kung para sa bata naman hindi naman nahihirapan si Akhero sa sitwasyon namin. Sa katunayan ay naiintindihan niya kung bakit ganito kami ni Riguel. He's smart."

Tumango siya at umiwas ng tingin.

"D-do you like him?"

Who? Si Akhero? Of course. More than that, I love that kid.

"Sino?"

Tumiim bagang siya bago tinaas ang kilay sa akin. What? Bawal magtanong? Siya nga tanong nang tanong e.

"The father."

Napakagat labi ako. Ayokong mag-assume. Ayokong masaktan. Pero sa inaakto ni Heizer ngayon...ang hirap i-deny, masyadong malakas ang kapit sa assumption ko.

"Of course, I like him as my friend. He's my friend, Heizer."

He licked his lower lip and swallowed hard.

"A friend..." Ulit niya na para bang sinasabi niya sa sarili niya. "You don't have a boyfriend then?" He asked.

My lips parted a bit. "W-why are you asking? Mag-aapply ka?" Nagawa ko pang magbiro! I'm just making the atmosphere back to its calmness.

He shrugged. "I'm willing though."

Nahinto ko ang pagtitipa sa laptop at napatitig sa kanya. Seryoso ang mukha niya na para bang wala siyang sinabi na ikinatanga ko.

What the freaking fuck? Indirect confession pero...shit, my heart!

"You're k-kidding." Tila'y pati sarili ko ay gusto kong kumbinsihin. Seryosong-seryoso ang mapupungay niyang mata. I don't get his eyes...parang galit pero namumungay naman ito.

"Half meant...though. Why? May nanliligaw na sa 'yo or might be...nanliligaw sa 'yo 'yong lalaki?"

Why can't he say Riguel's name by the way? Two syllables lang pero hindi niya mabigkas. Mahirap ba?

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteOn viuen les histories. Descobreix ara