Chapter 13

203 7 0
                                    

"What do you mean by that?"

I am sitting in front of Riguel. He was serious when he arrived like he knows why I want to talk to him! So after all this time, alam niya?

"They faked it. Lahat-lahat." He said while shaking his head.

I can't believe it.

"A-ang kasal? Ang merging?"

He nodded. "I'm sorry, I just knew that last week. I-i didn't mean to hide this from you because you still have problem in your company. Ayokong dumagdag, Amethyst."

"Pero nagmukha akong tanga! Pinagmukha nila tayong tanga!"

He sighed. "Have you read the news? Iyong mismong tungkol sa merging ng company namin at company niyo?"

I shook my head. I just saw it and I didn't read because I already know what's written on that article. Marriage and merging.

"That's what you get, napaghahalataan kang mabilis mauto." Sumama ang tingin ko sa kanya, namemersonal na siya eh! "That's the only copy they made, iyong binigay sa atin na news paper and even 'yong site na tayong dalawa lang ang nakakakapag-access."

Napapikit ako. Nakakatanga!

"Sino naman ang may pakana nito?" Nanghihina kong tanong. Ang gulo-gulo ng isipan ko. Hindi ko alam kung maayos pa ba dahil sa mga nalaman o hindi na.

"Your Dad and your Tita." He sighed.

"Tita? Si Danica?" There! Naalala ko na naman ang nangyari sa resort. Buntis kaya siya? Bakit ganoon siya? Hindi naman imposible dahil bata pa siya.

"Yes, who else?"

"Bakit naman nila gagawin 'yon?"

He looked away when I looked at him. "Your father left you a letter, nasa kwarto mo raw sa bahay niyo. You should find it and read para malinawan ka."

I nodded slowly. That's what I will do, hindi ako matatahimik hangga't walang sagot sa katanungan ko.

Daddy, kung anuman ang naging rason mo para ipeke iyon ay tatanggapin ko.

Mabilis ang naging kilos ko at agad tinungo ang mansion namin. Sinalubong ako ni Manang na siyang naiwan para alagaan ito. Lilipat na rin ako rito kapag napatunayan ko talagang peke ang marriage ko kay Riguel.

"Mabuti naman at umuwi ka, 'nak. Ang tahimik ng bahay."

Ngumiti ako kay Manang. "May kukunin lang po ako, Manang. Pero baka po rito na ako tumira sa susunod na buwan."

"Ay talaga anak? Naku, matutuwa ang Tita Danica mo!"

Natigilan ako bago yumuko at nagpaalam.

Isinantabi ko muna ang issue tungkol kay Danica dahil magulo pa talaga ang isip ko, idagdag pa ang fake marriage kuno namin.

Bakit naman gagawin ni Daddy at Danica iyon? What's their plan anyway? Akala ko ba iyon lang ang paraan para maayos ang gulo sa kompanya?

Napapikit ako at suminghap.

Naiiyak kong binuksan ang kwarto ko. Dahan-dahan ang naging paghagod ng tingin ko sa kabuuan. Walang pinagbago, ganoon pa rin. I smiled sadly as I saw some of my dad's gifts to me. Nasa iisang glass tukador iyon at kitang-kita ang mga nasa loob.

Lumapit ako roon at hinaplos ang tukador. May nakalagay pang 'For my baby Amethyst'.

Nanlalabo ang paningin ko habang tinitingnan iyon. Hinaplos ko ang nakasulat at natawa ng mahina.

"I-i love you daddy kahit ang sama ko sa 'yo, kahit ang pasaway k-ko, kahit sakit ako sa ulo sa 'yo. M-mahal na mahal kita."

Suminghap ako at binuksan iyon. Isa-isa kong tiningnan ang nasa loob. Natatandaan ko pa kung paano ko isinantabi ang lahat ng regalo sa akin ni Daddy sa guestroom, hindi pa bukas dahil feeling ko inuuto lang niya ako at iniisip na bata pa rin ako. Pero ngayon...mukhang siya pa ang nag-ayos ng mga iyon at nilagay sa glass tukador. Napahikbi ako at niyakap ang isang malaking teddy bear, siguro noong batang-bata pa ako noong binigay ito ni Daddy.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now