Chapter 8

182 7 0
                                    

"I don't want to eat." malamyang sabi ko kay Riguel nang ayain niya akong kumain kinagabihan.

"Hindi ka mabubusog ng luha at sipon mo." sarkastiko nitong sabi.

"Sinong tangang may sabi sa 'yong iyon ang kakainin ko?"

He raised his brow at me. "Just eat, Amethyst."

"Ayaw ko nga!" sigaw ko at padabog na nilayasan siya at bumaba patungo sa living room.

"Fine. Susubuan kita--"

"Ano?! Baka kung ano ang isubo mo sa akin!"

"Amethyst!" napigtas ang iniingatang inis. "Bunganga mo."

Humalukipkip ako na parang bata bago siya sinamaan ng tingin.

"Ayoko ngang kumain! Wala akong gana. Uuwi na ako sa Pilipinas, ayoko na rito."

"And if your father ask you why? Anong isasagot mo? Dahil may ibang babae ang boyfriend mo?"

Natigilan ako at umiwas ng tingin sa kanya.

He sighed. "Let's stay here for days. Ayokong kung ano-ano na naman ang isipin nila."

Tahimik akong tumungo sa kusina at nauna nang kumain, nakita ko sa peripheral vision ko na naupo siya sa tapat ko at pasulyap-sulyap sa akin. Panaka-naka rin ang pagbuntong hininga niya na para bang nahihirapan.

"Are you okay?" himig ang lamig ngunit nababahiran din naman nang pag-aalala.

"Hindi."

"Hm? Do you want us to stroll tomorrow?"

I pouted while looking down on my plate.

"Picture?"

Matagal bago siyang nakasagot. "Yeah, maghahanap 'yon sila panigurado."

"Kainis! Bakit hindi na lang sila ang maghoneymoon? Mga gurang!"

"Mga weak." he said, nagulat din ata siya sa sinabi kaya nagkatinginan kami.

And we both laughed. Just like that, naging mas malapit kami. Sinulit namin ang pagwawaldas sa pera na binigay ng mga magulang namin. Hanggang sa makauwi kami sa Pilipinas ay wala na ang ilang sa pagitan namin, well to be honest we become friends. Weird but yeah.

"Ano kayang problema sa negosyo?" tanong ko.

Andito kami sa isang restaurant. Nunkang wala na akong iniingatan na feelings ng ibang tao, ipapangalandakan ko na ang relasyon namin ni Riguel bilang mag-asawa.

"Dalawang buwan pa lang, bawal pa tayong magdivorce."

"Punitin na lang kaya natin ang contract?" suggested by me, talino ko talaga.

"Silly." he rolled his eyes and dig on his plate. "I heard the arrival of your ex."

Nawalan ako ng gana. Masama siyang tiningnan at pabagsak na sumandal sa upuan ko. Walanghiya talaga minsan si Riguel e 'no? Panira ng moment. Minsan na nga lang hindi toyoin eh!

"Alin sa kanila?"

He laughed, mocking me. "Isa lang ex mo, ambisyosa ka."

Inis ko siyang tiningnan. "Gago ka kahit kailan!"

"Pero seryoso, what if you bumped into each other?"

I shrugged. Alangan namang yakapin ko siya at halik-halikan? Lol, sa ganda kong ito?

Pero seryoso na, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Siguro deadma nalang? Or kaya sipain ko bayag niya para sure na wala siyang magiging anak sa ibang babae? Hehe.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now