Chapter 10

225 7 0
                                    

"What?" Tulala kong tanong.

No! Hindi...hindi.

Wala akong matandaang may iniinda siyang sakit! Bakit...bakit siya namatay?

My daddy...

"Danica!" I shouted feeling so furious, she's the one living with my father in our mansion! Hindi ko siya mapapatawad kung may hindi siya sinasabi sa aking sakit ni Daddy!

Magkamatayan man.

"Amethyst." Sambit niya nang matapos niyang kausapin ang doctor.

"Anong nangyari?! Ang lusog pa ni daddy noong huli ko siyang nakita!"

Kumunot ang noo niya. Halata ang pamamaga sa mga mata at kawalan ng oras para makapag-ayos gaya nang ginagawa niya tuwing umaalis o kahit nasa bahay.

"Are you blaming me on your father's death Amethsyt? Wala kang utang na loob! I was with your father all this time, loving and taking care of him and that's what you're putting on me?! How dare you!" Galit na sabi niya, namumula ang mukha at isang kalabit na lang ay sasampalin na niya ako.

I shook my head, feeling guilty of what I've said.

"I-i'm just asking because...he's healthy when I last visit him..." banayad na ang boses ko at ramdam ko na ang pangingilid ng mga mata ko.

"Death will never be in our hand Amethyst, we don't know when we will die."

Nakatulala ako habang nakatitig sa malamig na bangkay ni Daddy. I didn't expect this! Ni hindi ko maisip na makikita ko siyang nakaratay! Ni hindi ko naisip na sa muling kita ko sa kanya ay malamig na siya't hindi na ako tinatapunan ng tingin, kahit man lang malamig.

Dumating ang araw ng libing ni daddy. Mabibigat ang mga mata ko dahil kulang sa tulog at sa pamamaga. I don't care what people will say about me right now, if they found me a mess then be it. I'm a fucking mess anyway. Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila.

Hindi lang doon nagtapos. May mga hindi ako nahabol sa school. And Riguel being Riguel he did my activities, projects and such. Pero hindi kaya...lalo na sa absenses ko.

Gusto ko munang magpahinga...pagod na ako.

"Ilang araw ka ng puro tubig lang Amethyst. Kumain ka mamaya ng kahit ano."

I shook my head while looking at my father's wake for the last time. Nagpaabot ako ng tubig dahil konting push na lang mahihimatay na ako.

"N-Nagkulang ba ako bilang anak?" I asked him and hugged his coffin. Nakaready na ito para ibaba, pero ayoko pa. Dahil kapag binaba iyon ay wala na, hindi ko na ulit masisilayan ang mukha niya...kahit kailan.

Sobrang sakit ng puso ko dahil sa nakikita. Lahat lahat nang alaala ko kasama siya at si mommy ay pilit sumisiksik sa utak ko.

Ang mga halakhak niya. Ang pagngiti niya sa akin. Ang paggulo niya sa buhok ko noon. Ang pagbuhat niya sa akin habang nasa pool kami. Ang pakikipaglaro niya sa akin.

Mas lalo lang akong nanghina dahil sa mga alaalang iyon. Kahit sobrang tagal na ay sariwa pa rin sa akin, halos kapusin ako ng hininga dahil sa paghagulgol. Hindi ko kaya...

"D-daddy..."

They lowered his coffin and that makes me cry harder, I knelt down and hold the barrier.

"D-daddy...d-daddy!" Hagulgol ko habang yakap yakap ang picture niya.

Rinig ko rin ang iyakan ng iba pero mas lamang ang sa akin. Hindi ko kaya...si daddy na lang ang meron ako...ayoko!

"N-no! Huwag niyong ibaba! P-please..." Pigil ko sa nag-iikot para bumaba ang kabaong. Paluhod akong lumapit doon, hindi ko na ininda ang hapdi ng tuhod ko.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now