Chapter 3

266 12 0
                                    

"Happy birthday, President!" they shouted in chorus.

I smiled a bit and roamed my eyes inside the classroom. Talagang pinaghandaan nila huh? Hindi naman ako naging mabait sa kanila.

"'Yong cake, tangina mo Hades!" sigaw ni Klaus at binato ng birthday hat si Hades na sinusundot ang cake.

"Ano ba?! Tinikman ko lang!" reklamo ni Hades at binato pabalik kay Klaus and hat.

Napailing-iling na lang ako at hinipan ang cake.

"Thank you." marahang sabi ko sa kanila at kinuha ang mga inaabot nilang gift.

"At syempre dahil birthday ni President, ililibre niya tayong lahat sa labas!"

Napaawang ang labi ko. "What?"

"Sige raw!" sigaw ni Hades at parang batang pumalakpak.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagbigyan sila. Hindi naman ako maramot pero sige na nga, napasaya naman nila ako ngayon.

Napangisi ako. Buti pa sila naalala ang birthday ko samantalang si daddy...nagpaalam pang gagabihin sila nang uwi ng girlfriend niya.

Whatever, nadagdagan naman ang edad ko. Konting push na lang at makakalayas na ako sa bahay namin pansamantala o baka kapag nag-eighteen na ako pwede ko nang palayasin si Danica? Ang saya!

"Magkano ang babayaran mo President?" usisa ni Siera, kaklase ko.

Tumikhim ako at umiling, ayaw sabihin ang babayaran. Baka mausog sila e, sobrang saya na nilang kumakain.

"Pasensiya ka na President, alam mo namang patay gutom ang mga kaklase natin."

Ngumiwi ako dahil totoo iyon, but I love them. Totoo 'to, walang peke.

"Mag-order pa kayo! Minsan lang 'to!" sigaw ni Klaus.

"Limang bilao pa po ng seafoods!" sigaw naman ni Bryle.

"Desisyon ka Bryle?!" awat ni Hades.

"Sabi ni Klaus minsan lang e, kaya lubusin na." tumatawang sagot ni Bryle.

"Sushi po sa akin!" si Hades.

Nagkagulo-gulo na kaya naman ginala ko ang paningin ko. Maraming tao rito sa restaurant na ito, hindi siya high-end na restaurant kumbaga pwedeng maramihan sa isang table. Pwede ring maingay, pwedeng magkalat, pwedeng magsigawan, like that basta ba hindi nakakaistobro kapag naman may nagreklamo or nagsaway titigil naman. Maingay rin naman lahat, lamang nga lang kami. More than 30 kaming magkaklase at maggagabi na kaya naman marami na rin ang tao sa restaurant na ito.

Lumapit sa akin si Hades at binigay ang binalatan ng mga hipon, I love shrimps!

"Happy birthday gandang sungit!" pang-aasar nito at nilapag sa harapan ko ang plato.

Napangisi ako at nag-thumbs up. "Ikaw magbabayad sa order mo." pang-aasar ko rin. Nanlaki ang mata niya at tinaas ang dalawang kamay.

"Grabe, inaapi talaga ako! Klaus baby, inaaway ako ni Sungit!" sumbong nito kay Klaus na lumalamon. Hindi siya pinansin nito kaya napailing-iling na lang ako at kinain ang hipon. "Joker ka pala President hehe." pekeng tawa nito.

"Hindi ako nagbibiro, ikaw nga ang magbabayad sa order mo."

"Wala akong narinig. Bye!" nakatakip sa dalawang tenga ang kamay at tinalikuran na kami.

Napabungisngis ang mga kasama ko sa table. Napangisi ako.

Matapos naming kumain ay nagkanya-kanya na silang paalam, ako naman ay tumungo na sa isang waitress at pasimpleng inabot ang card ko.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now