Chapter 17

219 6 0
                                    

Ang saya mabuhay habang ini-enjoy mo ang bawat minuto 'no? Ang saya mabuhay habang kasama mo ang mga taong importante sa buhay mo. Kaya kahit hindi ganoon kaganda ang bawat araw dahil may mga bagay at problemang dumarating ay nai-enjoy mo pa rin.

"Mama!" Sigaw ni Akhero habang papalabas ako ng bahay.

Napangiti ako ng hilaw dahil akala ko makakapuslit na ako. Naglalaro kasi ito kanina habang dahan-dahan akong naglalakad palabas ng bahay, hindi ko alam bakit nakita niya pa ako!

"Yes baby?" Malambing na tanong ko. Ngumuso siya at kumapit sa kamay ko.

"S-sama." May back pack na rin siya na kulay black, walang design. I don't know with this little boy, he don't like cartoons and so whatever. He likes black just like me, nagmana sa akin kahit hindi ko naman totoong anak. Ang cutie. Nakasuot ito ng white t-shirt and cute little jeans na kulay black.

"I'm going to work baby, bawal ang baby roon ngayon." Binuhat ko siya at inayos ang buhok niya.

"N-not baby anymore! I'm turning f-four next m-month mama." Simangot niya at humalukipkip.

Napangiti ako. "Ay big boy na." Pinisil ko ang pisngi niya.

"C-can I?" Kumikislap-kislap pa ang mga mata niya. Napangiti ako, kuhang-kuha niya kasi ang pagpapacute ni Charlotte.

Kunwari pa akong nag-isip, nakita ko naman ang pag-aantay niya habang nakatitig sa akin.

"Mama?" Wari'y naiinip na pukaw niya sa akin.

"Okay." Ngiti ko at hinalikan naman agad niya ako sa pisngi. Napabungisngis siya at nagpababa.

"Akhero?"

Napalingon kaming dalawa nang makita si Tita Danica habang nagkukusot ng mata. Bagong gising ata.

"Tita," bati ko dahil mukhang wala pa sa huwesyo. "Aalis na kami, gustong sumama ni Akhero e."

"Naku! Aren't you busy? Maraming gawain ngayon sa office."

Napatingin siya kay Akhero na inosenteng nakatingin sa aming dalawa, palipat-lipat.

She sighed and went to us. She squat and held Akhero's both shoulder.

"Pinaghandaan talaga ng batang ito. Nako, manang-mana." Nakangising sabi ni Tita at pinanggigilan ang pisngi ni Akhero, pagbitaw ay namumula na iyon.

"Alam niya kasing may work ako." Gatong ko.

Bumungisngis si Tita. "Nauna pa talagang nagising sa akin."

Napangiti ako. "Okay lang na dalhin ko, behave lang 'yan."

Nagpaalam na rin kami kay Tita na ang daming ibinilin sa akin tungkol kay Akhero.

"Lola." Nakangusong sambit ni Akhero habang nagdadrive ako.

Nilingon ko siya saglit bago tinuon sa daan ang tingin.

"Why? You miss Lola?"

He shook his head. "She put t-toys inside my b-bag, it's heavy."

Natawa ako. Kinalkal niya ang bag niya at maayos na inilapag sa gilid niya ang mga laruan.

"I-i'm not going to play t-there."

I nodded. He likes roaming around and watching me work, typing on my computer and signing something or even when I am reading some articles.

"I l-left my t-tumbler, Mama."

Napatingin ako sa dash board. "I have baby and we have mini-ref there in my office, I have stocks there."

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now