Chapter 19

249 8 2
                                    

"Napabisita ka?" Tanong ko kay Heizer dahil nasa office ko na naman ito.

Tumingin siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.

"Oh," kinuha niya ang schedule sheet ko ngayong week at tiningnan. "May conference meeting ka sa Laguna?"

Inangat ko ang tingin sa kanya at tumango.

"Three days?"

I nodded. "Bakit?"

His forehead creased. Mukhang malalim na ang iniisip kaya nilubayan ko nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Anyway, hindi ka ba busy?" Tanong ko dahil maya-maya, lagi-lagi ang bisita niya sa akin. Gawain ba 'to ng kaibigan? Nah.

"No." Baritonong sagot niya.

Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay. I saw him clenched his jaw and looked at me with his dark but lazy eyes.

"Hindi na bumebenta sa akin 'yan." Irap ko sa kanya.

"Tsk. Hindi nga ako busy. And besides they can run our business without me." He shrugged.

I shook my head slowly. "Ewan ko sa 'yo, wala ka namang napapala sa pagpunta-punta mo rito."

"Meron." Tipid niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.

"Nakakasilay ng mga babae?" Matabang kong tanong pero nanunuya iyon.

Nagsalubong ang kilay niya. "No." Aniya at tinitigan ako.

Tumikhim ako. "Eh ano pala?" Iwas ko ng tingin at tinuon ang mata sa keyboard.

"I don't know." he said.

Napanguso ako. Hindi niya alam pero paminsan-minsan ang bisita? Siguro thrice a week siya kung bumisita. Dinaig pa nga si Catana na isang beses lang sa isang linggo.

Dumating ang araw na pupunta na kaming Laguna para sa conference meeting. Balak ko sanang magdala ng sasakyan kaso baka hindi ko kayanin ang byahe at medyo inaantok pa ako masyadong maaga ang alis namin.

"Ano? Bakit kasama si Klaus. Palabasin niyo nga 'yan!" Irita kong sabi dahil saktong-sakto lang sana sa amin ang seats. Dalawang van ang dadalhin namin pero saktong-sakto na ang seats para sa mga kasama excluded si Klaus dahil wala naman siyang ambag! Pero ang hinayupak ay nakakapit kay Sierra na parang tuko! Nagkunwariang tulog.

"Tulog ako. Shh!" Saway pa nito. Naghalakhakan ang mga nasa loob na! I was left outside dahil nga inukopa ni Klaus ang upuan ko! Hindi pa naman ako nagdala ng sasakyan.

"Need a ride?" Baritonong boses ang nagtanong sa likuran ko.

Napaawang ang labi ko dahil si Heizer iyon habang nakabukas ang bintana ng Lamborghini niya at nakasandal ang braso sa bintana. Fucking hot...binaba niya ang way farer at seryosong tumingin sa akin.

"Laway." Turo niya sa labi ko.

Agad kong hinawakan iyon pero wala naman! Argh! Nambibwesit ang magkapatid na ito!

"Ulol." Sabi ko, hindi na napigilan ang bibig.

Agad sumama ang tingin niya. "Your mouth. Get in." Turo niya sa tabi niya.

Padabog kong nilingon si Klaus na nakangisi na habang nakakapit pa rin kay Sierra. Gusto ko sana siyang pakyuhan pero ayokong maging bastos sa mga hayop. Nginisihan ko nalang siya dahil mamaya ko pa siya magagantihan.

Padabog din akong tumabi kay Heizer na nakaangat ang kilay na nakatingin sa akin.

"Saan ba ang punta mo at bihis na bihis ka rin?" Tanong ko habang nag-aantay kami sa usad ng van na mauuna sa amin.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon