Chapter 20

240 6 0
                                    

"What do you mean magbabar? May conference pa bukas." Irita kong sabi kay Catana. Ayaw pa rin pahupain ang tampo.

Pinulupot niya ang dalawang braso sa braso ko at tiningala ako. Nagpapaawa, mukhang kuting. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya, Cat.

"Sabi nila, we will just drink a little and leave." Sabi nito.

Napabuntong hininga ako. Wala pa namang nagagawang tama sa akin ang alak at bar. Nevermind.

"Sexy!" Tili agad ni Sierra nang makalabas ako ng hotel. Nag-aabang sila sa labas dahil medyo natagalan ako sa pag-aayos.

Iginala ko ang paningin ko. Saan siya?

"Nauna na." Tila'y nabasa ni Klaus ang isip ko. Inirapan ko siya. "Maraming nakaaligid na babae roon."

"Friends nga lang sila." Sulsol ni Sierra na may ngisi na sa labi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Friends lang kami." Sabi ko para ipakitang walang epekto sa akin ang pang-aasar nila.

Eh ano kung umaligid ang lahat ng babae sa kanya? Sipain ko sila sa bayag nila eh.

"Let's go." Sabi nilang dalawa, sabay pa.

Umirap ako dahil third wheel ako sa kanila. Walanghiya talaga minsan si Catana e, mas sumama pa sa isang kaibigan niya kaysa sa akin e. Third wheel tuloy ulit ako.

Hindi pa ata kami nakakalahati sa pupuntahan ay tumawag si Riguel. Agad kong sinagot dahil baka si Akhero iyon.

"Hello?" Bungad nito, si Riguel pala.

"What happened?" Agad kong tanong.

Naririnig ko ang kung anong tunog sa kabilang linya kaya agad akong kinabahan.

"Ano 'yon? Bakit parang siren ng pulis?"

"Fuck." Rinig ang frustration doon. "S-si Akhero, he's missing!"

Tila'y lumabas sa katawan ko ang kaluluwa dahil sa narinig. Napakurap-kurap ako at pilit ipinapasok sa utak ang sinabi niya.

Natauhan lang ako nang may marinig na umiiyak sa kabilang linya. It was Tita Danica...

"D-don't leave Tita Danica, Riguel! Please, papunta na ako." Agad kong pinatay ang tawag aat binalingan ang dalawa na parehong nag-aalala na nakatingin sa akin. "S-sa bahay..." umiiyak ko na sabi, naninikip ang dibdib ko.

Si Akhero...

"N-nawawala si Akhero..." Mahina kong sabi habang umiiyak. "K-kailangan nating mahanap ang bata!"

Hindi ko alam kung kakalma pa ako habang iniisip ang kalagayan ngayon ni Akhero. Ang daming masasamang senaryo ang pumapasok sa utak ko at ayokong pagtuonan ng pansin dahil ayokong tanggapin.

Ilang oras ang byahe namin kaya naman madaling araw na kaming nakarating sa bahay. Nagkakagulo roon.

Nang makarating kami ay agad kong pinuntahan sina Tita. They are both calling through their phones. Tita's crying while Riguel's hands were both close. They are both crying, so am I.

"Si Akhero?!" I shouted as I looked at the cops. Ang daming naghahanap sa labas, I even saw cops inside of our mansion flashing their flashlights.

"S-still missing..." Nanghihinang sabi ni Tita.

"Oh God..." Naibulong ko at agad sumulong sa loob ng bahay. I roamed around and looked for him. "Akhero?" Tawag ko kahit na pinipigilan ako ng mga pulis.

Baka raw kasi may nakapasok na akyat-bahay.

"Stop! Tutulong ako!" Pagpupumiglas ko habang hawak ako ng mga pulis.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now