Chapter 22

304 4 0
                                    

"A-ayaw," umiling-iling na sabi ni Akhero habang nakahalukipkip.

Nagkatinginan kami ni Heizer bago ako napabuntong-hininga.

Ilang buwan na rin mula nang pinayagan ko si Heizer na manligaw like what I've decided kasi...sabi nga ni Catana hindi na kami mga bata para magtanga-tangahan. Halata naman daw na mahal pa rin namin ang isa't-isa.

Kaya naman naisipan naming ipaalam kay Akhero, he's the hardest one na...ipagpaalam namin ang relasyon namin ni Heizer at gaya nga nang inaasahan namin, sobrang hirap niyang kumbisihin sa maraming bagay, mahirap ipaintindi sa kanya dahil nga ako ang mother figure niya.

"He can't be my daddy because I have one...mama." he pouted pero himig ang kaseryosohan niya.

Napakagat labi ako. "He can be your tito?"

Hinaplos ni Heizer ang braso ko at marahang pinisil. Napalingon ako sa kanya ngunit sinalubong lang niya nang nakataas na kilay.

"Huwag kang magulo." Saway ko at siniko siya. Wala na nga siyang imik tapos magrereak pa sa mga sinasabi ko.

Bumaba ang kamay niya at padausos na namahinga sa bewang ko. Napapikit ako nang mariin at maingat na bumuga ng hangin. Wala naman siyang balak na patayin ako 'no?

"Mama, how about you and my daddy will get married?"

"No." Agad na angil ni Heizer. Kumunot ang noo ni Akhero at mas lalong ngumuso.

Siniko ko agad si Heizer bago nginitian si Akhero at pinisil ang ilong. Agad iyong namula na ikinanguso niya lalo.

"'Di ba, we already told you that me and your dad cannot marry each other because we don't love each other?"

Tumango siya ng marahan. "A-and you told me that two people should get married if they love each other not because it is convenient." Tila'y natauhan niyang sabi. "P-pero...I want you to be my mom...ikaw ang mama ko." Umiiyak na ito habang hinahawakan ang kamay ko.

Nangilid agad ang luha ko at agad siyang niyakap.

"R-right," mahina kong sabi at bumuntong hininga bago pinatakan ng halik ang ulo niya. Humigpit ang yakap niya sa akin. "I can be y-your mom...pero hindi si Daddy Riguel ang papakasalan ko, baby. Kasi si Tito Heizer ang mahal ni mama. Naiintindihan mo ba si mama hm?" Malambing ko na tanong. Pilit pinapagaan ang nararamdaman niya. Mabigat din naman para sa akin pero kailangan kong ipaintindi sa kanya nang maaga.

Marahan siyang tumango. "H-he will take care of you...'di ba po?" Seryoso niyang binalingan si Heizer na namumungay ang matang nakatingin sa amin. Tumikhim siya at tumango.

"O-of course, he will. He loves me..." Ngumiti ako sa bata.

"O-okay po. P-pero dapat mas lamang ang love ko p-po sa 'yo." Suminghot siya.

Napatitig ako sa namumungay at namumula niyang mata dahil sa kaiiyak. Natatawa ko siyang pinugpog ng halik.

"Oo naman. Mahal na mahal mo ang mama."

Ngumuso siya at sumiksik sa leeg ko, naririnig ko ang malalalim niyang paghinga. Napatingin ako kay Heizer na agad lumapit sa akin at pinatakan ako ng halik sa noo. Nag-init agad ang pisngi ko.

"Everything's fine now. So, can we make a baby first?"

"Heizer!" Saway ko dahil baka narinig ng bata kahit na bulong lang iyon sa akin.

Natatawa niya akong pinatakan ng halik sa tungki ng ilong ko. Inayos ko si Akhero na nasa mga bisig ko bago sinilip. Tulog na, napagod siguro sa kaiiyak.

"I can't wait to marry you, Yaziah..." Hinaplos niya ang kamay kong malaya niyang nahahawakan dahil ang isa ay nakaalalay sa likod ni Akhero.

"Me too..." Pag-amin ko. Iyon ang totoo.

Chasing The Badass (Badass Series #3) CompleteWhere stories live. Discover now