V: Remnants

148K 6.6K 2.5K
                                    

V.

Remnants

Third Person's POV



"Tama na! Hintayin natin sila!" Tumigil sa pagtakbo ang hingal na hingal at luhaang si Dana. Sa labis na emosyon ay halos hindi na niya mahawakan pa ang itak na bitbit.


"Dana listen to me, i'm scared as hell too but we have to go! Baka may kasama pa si Boris, hindi na tayo pwedeng manatili dito!" Giit naman ng luhaang si Harper habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Dana.


"Paano sila?!" Katwiran ni Dana wala ng tigil sa paghangos.

"Raze is there! He'll do whatever it takes to keep Cielo safe! Tara na!" Muling giit ni Harper saka nagsimulang umakyat sa isang bakal na hagdang patungo sa kalsada.

"Harper!" Sigaw ni Dana ngunit sadyang ayaw nitong magpapigil. Umiiyak man, walang magawa si Dana kundi mag-iwan na lamang ng bahid ng dugo sa pader bago umakyat sa hagdan.

"Dana hurry up!" Giit ni Harper saka buong lakas na iniangat ang bilugang takip ng manhole para maging labasan nila.


Matapos ang malakas pagkalansing na gawa ng pagtama ng takip sa kalsada ay dali-daling lumabas mula rito ang natatarantang si Harper. Alam niyang malakas ang nagawang ingay kaya maari silang mapansin dahil dito kaya naman dali-dali niyang iniabot ang kanyang kamay para mas mapadali ang pag-akyat ni Dana.


"Dana hurry up! The skunks could be here any minute!" Giit ni Harper kaya naman tumango-tango ang umiiyak paring si Dana at mas binilisan pa ang bawat paghakbang.


Bago pa man makalabas sa manhole ay agad naaninag ni Dana ang madilim na kalangitang tadtad ng mga bituin. Nang mapansin ang kamay ni Harper ay agad niya itong inabot kaya mas napabilis pa ang kanyang paggalaw hanggang sa tuluyan niyang mailabas ang kanyang ulo.


"Skunk!" Sa isang iglap umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Dana.

Sa mismong paglabas ng ulo niya mula sa manhole ay agad niyang nakita ang isang may edad ng lalake na nasa likuran na ni Harper. Duguan ito at iika-ika na sa paglakad habang may isang malaking butas sa tiyan at nalalaglag pa sa kalsada ang dugo at mga lamang loob niya sa bawat paghakbang. Gaya ng iba, mayroon itong itim na ugat sa kanyang leeg at mga matang buong kulay ay itim.


Bigla nitong hinila ang mula sa likod ang gulat na gulat na si Harper na walang ibang magawa kundi mapatili na lamang.


"Harper! Harper!" Paulit-ulit na sigaw ni Dana na dali-daling gumapang palabas ng manhole.

"Magbabayad kayo, pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo." Paulit-ulit na sambit ng lalakeng wala sa sarili habang paatras ng paatras at walang balak na bitawan si Harper.


Nanginginig at takot na takot, sinusubukang lumapit ni Dana sa kanila, subukan man niyang saksakin ang may hawak sa kaibigan, hindi niya magawa dahil sa takot na baka ang dalaga pa ang tamaan ng itak.


"Dana run!" Sigaw ni Harper.

"No! Fucking skunk let go of her!" Pagwawala ni Dana na tila ba hindi na alam anong gagawin at panay na lamang sa pag-iyak.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now