CHAPTER 16:
Houston, we have a problem
DANA'S POV
"We need help! Listen something happened in that police outpost near bordley road and we're being chased by a crazy—Basta his name is Waldo Hartman and you need to help us! Wait Ha? I'm driving malay ko asan kami! Guys asan tayo?!"
"Puro kahoy lang ang nakikita ko!"
"Teka ihihinto ko nalang—"
"Waaaag! S-sa cathedral nalang! Sabihin mo nalang sa cathedral tayo!"
Sa sobrang takot, lahat ay taranta at hindi na mapalagay. Naririnig ko silang lahat na nagtatalo. Nakikita ko si Mira na kulang nalang ay magwala dahil hindi lang siya abala sa pagmamaneho kundi pati narin sa pagkausap ng pulis sa kanyang telepono. Nagtatalo silang lahat at nagsisigawan na, gusto kong umawat pero unti-unting nagpapasirko-sirko ang paningin ko't para bang lumalabo ang lahat. Wala akong ibang nararamdaman kundi lamig, napakatinding lamig.
"A-ate?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Pip, magkatabi kami pero hindi ko siya makita. Alam kong nakasandal parin ako ngayon sa bintana ng sasakyan pero hindi ko na sila makita, tanging boses na lamang nila ang naririg ko.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Pip na dumampi sa balat ko pero agad kong narinig ang kanyang pagsigaw dahil sa sobrang lamig na naramdaman nang mahawakan ako.
"Dana! Anong nangyayari sayo?!"
Naririnig ko ang mga sigawan nila. Sinusubukan kong ikurap ang mga mata ko ngunit wala akong ibang makita kundi walang hanggang kadiliman. Sobrang lamig, ayoko na nito, napakasakit na sa katawan.
***
"Dana?!"
Napasinghap ako at napadilat. Agad na tumambad sa harapan ko ang sugatang si Shem, nahihirapan man hindi niya ako binibitawan, karga-karga niya ako. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko at lalo pa akong naguluhan nang bigla kaming pumasok sa isang lumang bahay.
"Asin! Asin!" Taranta silang nagsigawan at nakita kong nagtakbuhan agad sina Mira, Pip at Churchill.
Ibinaba ako ni Shem kaya napasandal ako sa pintong ngayo'y nakasara na at paulit-ulit na huminga ng malalim. Nararamdaman ko parin ang labis na lamig kaya napayakap na lamang ako sa sarili ko at paulit-ulit na suminghap.
"C-cold, really cold." Bulalas ko agad.
"Teka sandali!" Giit ni Shem at nakita ko siyang nagtatakbo paakyat sa hagdan dahilan para maiwan akong mag-isa sa sala. Giniginaw man ng sobra, pinilit kong ilibot ang paningin at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung nasaan kami.
"Dana ano bang nangyayari sayo?!" Hingal na sambit ni Mira na unang nakabalik sa kanila. Walang ano-ano'y bigla niya akong kinaladkad patungo sa gitna ng sala at tinabihan ng upo. Paulit-ulit niyang tinapik ang pisngi ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"