XVII: To love and protect

131K 5K 3.7K
                                    


CHAPTER XVII:

To love and protect

Third Person's POV


"What now?" Walang kabuhay-buhay na sambit ni Dana habang nakahiga sa hita ng ni Cielo na nakaupo lamang sa ilalim ng isang puno. Lahat sila'y pagod at nanlulumo habang nagpapahinga sa isang maliit na parte ng gubat. Napakadilim sa paligid at iisang flashlight lamang ang nagawa nilang maisalba mula sa sunog.


Hindi kumibo si Shem na tahimik lamang habang nakayakap ang kanyang tuhod, gaya ng iba ay balisa rin ito at pagod na pagod na dahil sa mga pangyayari. Si Axel naman ay nagbingi-bingihan na lamang habang pinapatulog ang batang si Pip. Samantalang si Raze naman ay nakatulala na tila ba nag-iisip ng paraan para masolusyonan ang kanilang sitwasyon.


Huminga ng malalim ni Cielo at napatingin sa direksyon ni Axel. Tila ba naramdaman ito ni Axel kaya napatingin rin siya kabalik sa dalaga. Nang magtama ang kanilang paningin tumango-tango si Cielo na tila ba may ibig ipahiwatig.


Gamit ang dalawang daliri ay kaswal na iniangat ni Cielo ang litrato niya na nakuha mula sa mga sumalakay sa kanila.


"We have to give them what they want." Bulalas ni Cielo dahilan para agad na mapaupo si Dana at mapahawak ng mahigpit sa braso niya.


"N-no! Cielo hindi mo gagawin 'yan!" Agad na giit ni Dana habang umiiling.


"Look, hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap pero magagamit natin 'to! Ako kapalit ng kaligtasan niyo, we'll trade with them!" Katwiran ni Cielo dahilan para lalong umiling-iling si Dana na nagsisimula na namang maluha.


"M-may punto si Cielo..." Mahinang sambit ni Shem na nakatitig parin sa kawalan habang yakap ang kanyang tuhod.


"No she doesn't!" Giit ni Dana at pinanlisikan ng mga mata si Shem pero imbes na masindak ay tumayo lamang si Shem at napabuntong-hininga.


"We're running in circles! Takbo tayo ng takbo pero may patutunguhan ba tayo?" Nanlulumong sambit ni Shem.


"At sa tingin mo solusyon ang pagtalikod kay Cielo at Axel ganun ba?!" Nagsisimula mang maluha, napatayo si Dana na animo'y susugurin na si Shem. Pero bago pa man niya sugurin ang binata ay agad na hinigit ni Cielo ang braso niya.


"Dana this is our only choice..." Pakiusap ni Cielo kaya agad umiling si Dana.


"Cielo naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi! Hindi mo gagawin yan! Papatayin ka nila! Papatayin nila kayo ni Axel! This isn't the solution! Please! Please listen to me!" Muling napaupo si Dana sa tabi ni Cielo, nagmamakaawa habang lumuluha.


"Hindi..." Biglang bulalas ni Shem dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kasamahan, "hindi nila papatayin o sasaktan si Cielo o si Axel."


"Oh so you're going to play that bullshit card now?! You saw how those skunks murder in cold blood violence!" Giit ni Dana pero agad na umiling-iling si Shem at ipinagdikit ang mga palad niya na tila ba nakikiusap na pakinggan siya ng mga kasamahan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now