IV : The death of another

76.5K 3.7K 1.2K
                                    


IV

The death of another

Cielo's POV


"Hindi niyo ako masisisi! Eh kung sana sinabi niyo ng mas maaga, malamang nakakuha ako ng mas pormal na alternative sa cooler! Napakahalaga ng oras kaya ito nalang yung pinakadaling naisip ko! At isa pa kailangan nating i-preserba ang katawan niya! Once her body decomposes, we can never—"


"Thank you Shem..." Hindi ko na napigilang bumulalas, "You did a great job... all of us did great and I'm sure Dana would be really happy knowing we're doing our best to get her back home." At kahit alam ko mang hindi pa ito ang tamang panahon para magsaya, hindi ko mapigilang mapangiti sa kanilang lahat bilang pasasalamat. Pero hindi kasali sa kanila si Harper... sure she's beginning to redeem herself but who am I kidding? I can't treat her the way I used to lalo pa't sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang sakit na dulot ng mga nagawa niya. I can't forgive her... unless everything comes back to the way they used to, unless we get Dana and Wacky back.


"Churchill what the hell?" Bigla naming napansin ang paniniko ni Mira dahilan para mapatingin kami sa kanilang dalawa ni Churchill.


"No listen! You can hear his voice if you listen carefully!" Biglang giit ni Churchill habang nakatingin sa kawalan at para bang natataranta. Bigla siyang napaharap sa railings ng tulay at napatitig sa napakalalim at napakadilim na ilog.


"Churchill anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Raze na agad humakbang papalapit rito.


"Si Wacky! Hindi niyo ba talaga naririnig ang boses niya?!" Giit ni Church at muling humarap sa amin. This time, kitang-kita ko na ang panlulumo sa mukha niya.


"You and Dana are the only ones with emotional connection to him. That's probably why." Biglang bulalas ni Harper kaya sa kanya naman kami napatingin. She's just standing there, without a pinch of emotion and by the looks of it, the truth about Wacky's whereabouts are about to come out.


"Emotional connection? Tangina ano bang nangyayari?! May alam ba kayo kung nasaan si Wacky?!" Bulalas ni Churchill na halatang naubusan na ng pasensya.


Napabuntong-hininga si Harper at napaupo sa nakabukas na pinto ng van, sa tabi ng cooler kung saan kitang-kita parin namin ang bangkay ni Dana, "Si Primo Fergullo, naging malakas ang pananamba niya kay Astaroth kaya nagawa nilang makapag-komunika sa isa't-isa kahit hindi pa nakalalaya si Astaroth sa lungga niya. Nagagawa ni Astaroth na makapagbigay ng masagang ani sa pamamagitan ng maliit niyang kapangyarihan, kaya lalo pang naging kumbinsido si Primo sa kakayahan nito. Ayon kay Astaroth mas lalo siyang magiging malakas at mas lalo siyang makakatulong sa bayan ng fergullo sa pamamagitan ng dalawang kaluluwa kaya kaya naman napagdesisyunan ni Primo na ialay ang sarili niyang anak bilang mapagkukunan ni Astaroth ng lakas, pati narin ang isang binata para maging sisidlan." Biglang napatingin si Harper sa aming dalawa ni Axel, "Nang malaman ng taga ibang bayan ang pananalig ni Primo sa demonyo, ipinapatay nila ang mga magiging alay para mawalan na ng paraan si Astaroth na magkaroon ng sapat na kapangyarihan para wasakin ang lahat. Sa ngalan ng kapangyarihan at pananalig kay Astaroth, nagkaroon si Primo ng kakayahan na gumawa ng sumpa habang unti-unti silang nilalamon ng apoy, the curse was about returning and getting this town back, making everyone suffer just like how they did but even worse. Isang salamangkero ang nagkulong sa mga kaluluwa nila sa isang plaka upang 'wag maisakatuparan ang sumpa—"

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now