III : Paranoia

99.7K 4.2K 1.9K
                                    



CHAPTER III:

PARANOIA

DANA'S POV 



"How many times do I have to tell you? Okay lang sabi ako." Giit ko na lamang sabay irap kay Shem. Gaya ng nakagawian, idinaan ko na lamang sa pagtataray ang pagtatago ng bigat ng kalooban ko.



"Oo na, oo na." Iritado naman niyang sambit saka tinabihan ako ng upo sa gilid ng sidewalk. Inabot niya sa akin ang binili niyang rootbeer mula sa convenience store, "non-alcoholic yan, 'wag kang mag-alala." Aniya pa.


"I honestly don't care, thank you." Sabi ko saka binuksan ito't walang kagatol-gatol na nilaklak. Ilang sandali kaming nanatiling tahimik habang pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan hindi kalayuan sa amin. Kapwa namin tinatamasa ang malamig na simoy ng hangin at kapayapaang dulot ng malalim na gabi.


"Nakita mo ba talaga si Cielo?" Basag ni Shem sa katahimikan kaya naman napabuntong-hinga ako't napatingin sa kanya.


"Shem, why are you wearing a fucking helmet?" Kaswal kong tanong habang nakatitig sa suot niyang skating helmet na kulay yellow at may black strap pang nakakabit sa ilalim ng kanyang baba. He's wearing a helmet for cyclers and skaters, but as far as I know delivery van ang meron siya at lagi niyang ginagamit.


"Boris-proof." Tipid siyang ngumiti sabay katok sa helmet niya't animo'y pinagmamalaki ito.


Hindi na niya kailangan pang magpaliwanag kasi naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin... sa isang iglap biglang bumalik isipan ko ang napakalagim na pangyayaring halos ikasira ng bait ko. After what happened, we never got to talk about it.


"Shem... About what happened sa laboratory, I just want to tell you—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigla na lamang kumurba ang isang ngisi sa mukha ni Shem na animo'y nagmamayabang.


"Ah yun ba? Psh, chicken lang yun! Hindi ka na dapat magpasalamat, ginawa ko lang kasi kung ano ang praktikal at dapat kaya ang sagot ko sa 'thank you' mo ay—"


"That was stupid!" Putol ko naman sa kanya para mapagpatuloy ko ang sinasabi ko kanina, "Shem that move was stupid, I appreciate what you did but what if Cielo didn't..." In a snap, I found myself tongue tied. Damn it, I kept on yapping about how we should accept the reality but here I am, having trouble uttering the words to complete the sentence of truth.


Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Shem. Siguro naintindihan niya rin ang ibig kong sabihin. Kapwa kami napabuntong-hininga at napatitig sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng daan.


"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko nang gabing 'yon? Dana malamang ginawa mo rin ang ginawa ko." Pambabasag niya ulit sa katahimikan.


"That's where your wrong Shemmy boy. I'm a coward. Instead of saving others, I'm the one who always needs to saved and protected. I'm the dead weight." Pagtatama ko sa sinasabi niya.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon