III : Rise of the body snatchers

83.6K 4.1K 6K
                                    



III.

Rise of the body snatchers

Third Person's POV



"We'll split into teams; Team Distraction, Team Monitor, Team Snatcher at Wheels." Maotoridad na sambit ni Shem habang hinihinaan ang kanyang boses. Pasimple niyang nilibot ang paningin upang masiguradong walang ibang nakakarinig sa kanila sabay hawi ng pitong piraso ng French fries sa iba't-ibang direksyon bilang simbolo sa magiging Gawain ng bawat isa.


"So these French fries are us?" Tanong ni Mira sabay turo sa mga ito.


"Mismo." Tumango si Shem at nilukot ang kartong lalagyan ng friench fries at nilagay ito sa gitna ng mesa.


"At yan ay?" Kunot-noong sambit ni Church.


"Naubusan na ako ng props, si Dana nalang yan." Sabi pa ni Shem kaya naguguluhan man, nagsitanguan na lamang sila. "Minsan na akong nakapagdeliver ng tubig diyan sa ospital. May backdoor pero may security at CCTV camera. Sa labas naman may checkpoint sa daan. Kalahating oras nalang ang natitira kaya kailangan nating magmadali, wala tayong access sa mga chloroform at pampatulog kaya diskarte ang kailangan natin dito." Dagdag pa ni Shem.


****


Sabay-sabay silang lahat sa pagpasok sa ospital maliban lamang kay Shem na hindi nila kasama. Tensyonado at kinakabahan, pare-pareho silang nagkatinginan habang pasimpleng naglalakad sa pasilyo kung saan marami parin silang nakakasalubong na mga bisita at nars.


Sabay-sabay ang anim sa pagpasok ng elevator ngunit nang makarating sa kanilang destinasyong palapag, ni hindi sila nagkibuan. Pagbukas pa lamang ng elevator ay agad na lumabas sina Cielo at Axel nang hindi man lamang nililingon ang mga kasamahan. Pasimple lamang ang dalawa sa paglalakad habang nakayuko ang mga ulo upang maiwasang mahagip ang kanilang mukha ng mga CCTV.


Nang marating ang dulo ng isang pasilyo, agad na tumambad sa kanila ang isang malaking pinto na gawa sa metal. Nakaukit sa tuktok nito ang salitang Security Center.


Huminga ng malalim si Cielo at agad na napakatok sa pinto. Nagkatinginan silang dalawa ni Axel at pare-parehong tumango hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan nila ang isang guwardyang pinupunasan pa ang kechup na nasa kanyang pisngi. Bahagyang napasilip si Axel sa loob ng silid at nakita niyang nag-iisa lamang ang guwardya sa loob ng silid na punong-puno ng mga monitor na konektado sa lahat ng CCTV sa ospital.


"Teka? Bawal ang mga bisita dito. Sino ba—" Bago pa man matapos ng pulis ang kanyang sinasabi ay agad nang nagsalita si Axel.


"Isang libo kung hindi ka magtatanong." Taas-noong sambit ni Axel bagay na labis ikinagulat ni Cielo.


Kahit ang guwardya ay labis na ikinagulat ang sinabi ni Axel "Anong akala niyo sakin?! Mukhang pe—"


"Mukha kang resonableng tao. Wala kaming binabalak na masama, ang gusto lang namin, patayin mo ng ilang minuto ang CCTV ng buong palapag kung nasaan ang morgue. Limang libo sa pananahimik mo." Tahasang sambit ni Axel na walang ano mang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip dahilan para maiwan na lamang na nakaawang ang bibig ni Cielo.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now