XV : The Return

68K 3.2K 1.6K
                                    



Clarification lang po ulit lalo na sa nalilito parin sa timeline, we are now at the present events so basically after ng last chapter sa Book 2 kung saan napuntahan na nila Cielo si Dana sa "hell" niya. And yes sobrang connected ang Last Chapter sa book 2 at ang chapter 13 dito sa book 3. So yun... nasa current na talaga tayo at tapos na tayo sa pagba-backtrack bwahahaha


All of the dots are already in place so hindi na talaga siya magulo, it's up to everyone to connect them nalang :) The only reason why magulo ang Dispareo in the first place ay dahil hindi pa nare-reveal ang lahat specially ang timeline but now that every vital info is in their respective places, nasa inyo na talaga ang flow haha :) Kung naguguluhan parin, magbasa lang ng magbasa para ma-gets :) If something hasn't been explained yet in the story, kafet lungs lalo na't patapos na tayo :)


Chapter theme above pala :)


CHAPTER XV

The Return

Third Person's POV


Umiiyak at wala sa wisyong nagtatakbo si Dana kahit pa maya't-maya siyang nadudulas dahil sa basa pa niyang mga paa. Sa lawak ng lugar, nalilito siya sa bawat pasilyong nadadaanan pero hindi siya humihinto. Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang kanyang mga kaibigan.


Hindi nagtagal, tuluyang nakababa si Dana sa unang palapag at tumambad sa kanya ang pag-aagaw ng liwanag at kadiliman na dulot ng pagtay-sindi ng lahat ng lahat ng ilaw. Naging mabagal ang sumunod na mga hakbang ng lumuluhang si Dana dulot ng kaba sa maaring madatnan.


Sa gitna ng nakabibinging katahimikan at pagpatay sindi ng mga ilaw, lumiko-liko si Dana sa malalawak na pasilyo hanggang sa unti-unti niyang matanaw ang isang pares ng mga paang lumalabas mula sa isa pang pasilyong kanyang madadaanan.


Gamit ang nanginginig na mga kamay, napatakip si Dana sa kanyang bibig nang tuluyan niya itong malapitan at mapagtantong bangkay ito ng kaibigang si Churchill; wala nang ulo at nagkalat ang dugo't-laman nito sa sahig. Napatingala na lamang si Dana at paulit-ulit na napahikbi.


Sa kabila ng lahat, pilit na tinatagan ni Dana ang kanyang sarili at napatingin sa direksyon ng isa pang palikong pasilyo na animo'y halos nilamon na ng kadiliman. Natagpuan ni Dana ang kanyang sarili na naglalakad papunta sa direksyon nito hanggang sa tuluyan niyang maaninag ang bangkay ni Mira na nakadapa sa sahig at naliligo sa sariling dugo.


Nag-aagaw man ang liwanag at kadiliman sa paligid, nilapitan parin ni Dana ang bangkay ni Mira, hindi inaalis ang tingin sa direksyon nito na para bang napasailalim sa isang hipnotismong dala ng labis na pighati at pagdurusa.


"M-Miranda..." Mahinang sambit ni Dana at unti-unting napaupo sa sahig, hindi alintana ang dugo ni Mira na dumadampi sa kanyang maputlang balat.


Unti-unti, hinawakan ni Dana ang balikat ng bangkay ni Mira na nakadapa sa sahig. Sa puntong iyon, muling nangamatay ang mga ilaw at naghari ang kadiliman. Ngunit sa kagustuhang mahagkan ang kaibigan sa huling pagkakataon, hindi inalintana ni Dana ang kadiliaman at bagkus ay unti-unti niya itong hinilig patungo sa kanyang direksyon.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now