VI : Consumed

97.2K 3.9K 3K
                                    



CHAPTER VI: 

CONSUMED

DANA'S POV


Matapos inumin ang dalawang piraso ng gamot ay agad kong pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Totoo nga ang sinabi nila Mommy, nangangayayat na nga ako pero hindi ko ito maramdaman dahil sa sobrang bigat ng kalooban ko.


Lumabas ako ng banyo at nahiga ulit sa kama pero laking gulat ko nang bigla na lamang pumasok si Mommy na para bang galit.


"What?" Tanong ko na lamang sabay tanggal ng earphones ko.


"Kanina pa kita tinatawag! Hindi ba't sinabi ko na sayo na isang tenga lang dapat kapag nakikinig ka ng music?!" Aniya kaya para matapos na ay humingi na lamang ako ng tawad at muling nahiga sa kama ko.


"Dana ang gulo na ng kwarto mo! Ilang araw kang laging nagkukulong dito pero ni hindi mo man lang naisipang mag-linis! Lagi kang walang ganang kumain! Anak ano ba talagang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Mommy habang isa-isang pinupulot ang tray na iniiiwan niya sa kwarto ko. Ayokong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siyang maglabas ng sama ng loob.


"Tumawag sa akin ang sekretarya ng mayor, darating daw siya after two hours kaya Dana naman, pakiusap mag-ayos ka at kumain man lang." Pakiusap niya at ibinigay sa akin ang isang panibagong tray na may lamang pagkain at paborito kong smoothie.


"Ang mayor? Ano namang kailangan niya sakin?" Tanong ko na lamang.


"Gusto raw mamasyal ng anak niya sa park, hindi niya masamahan dahil busy pero sabi ng bata, gusto niya ikaw nalang daw ang kasama. Nga pala, paano kayo nagkakilala ng anak ng mayor? Batang-bata pa 'yon, diba ayaw mo sa mga bata?" Dahil sa sinabi ni Mama ay agad na bumaha ang lahat ng alaala sa isipan ko nang gabing nahanap namin si Pip at ang papa niyang nag-aagaw buhay.


"F-facebook." Sabi ko na lamang sabay ngiti, "But can I not go? I'd rather stay here in my room all day." Giit ko.


"You need the fresh air. Ba't ba ayaw mong umalis ng bahay? May kinakatakutan ka ba?" Sabi ni Mommy kaya umiling na lamang ako. Akala ko'y lalabas na siya ng kuwarto pero bigla niyang napansin ang maraming asin na inilagay at ipinalibot ko sa bawat sulok ng kwarto ko.


"Ano yang nasa—"


"Decoration. Aesthetic ideas from tumblr. You can't relate and appreciate so don't ask. Love you Mom." Sabi ko na lamang at agad na binuksan ang pinto ng kwarto ko.


****


"Ate Dana!" Agad akong sinalubong ni Pip ng yakap sa paglabas ko pa lamang ng bahay, "Ate Dana, you remember me diba—"


"Shhhh..." Dali-dali akong lumuhod sa harapan niya upang maging magka-lebel kami, "Pip, secret lang natin ang mga nangyari ha?" Sabi ko sa kanya dahilan para maguluhan siya.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon