XXII : Protagonist Problems

89.8K 4.1K 3.4K
                                    


CHAPTER XXII:

Protagonist Problems

DANA


"Jury makinig ka muna, hindi kami masamang tao!" Giit ni Churchill at siya na mismo ang humarap kay Jury na kahit hawak man ang isang baril, bakas parin ang takot sa mukha. I don't know much about Jury since I haven't even read this book at all but for starters although they're all grown up, I know for a fact that he's the eldest among the three of them.


As what I've remembered from Cielo's stories, the protagonists in this book are three backpacking siblings. Jury being the eldest is sort of the protector kaya naman ngayon si Jury ang may hawak ng baril samantalang nasa likuran niya ang mga kapatid niyang takot sa akin. Kung tama ako, yung middle child ang isa pang lalake at youngest ang babae.


"'Wag kayong lalapit!" Muling bulyaw ni Jury nang sinubukan ni Churchill na humakbang palapit.


"No! Don't shoot! Don't shoot!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa takot. Jury is protecting his siblings and people tend to be reckless when it comes to protecting their bloodlines. At this point, anything's possible.


"Look si Boris 'to! Pinatay ako ni Boris noon! Gumaganti lang ako!" Giit pa ni Shem pero umiling-iling lamang si Jury at sinenyasan ang kapatid niyang babae at lalake na pumasok sa loob ng sasakyan nila.


"Shem!" Napasigaw na lamang kami sa inis dahil lalo lamang natakot ang tatlo dahil sa sinabi niya. I mean sino rin ba naman kasing normal na tao ang hindi magf-freak out sa actions ni Shem lalo pa't may hawak siyang yuping ulo.


"Jury mapapahamak kayo ng mga kapatid mo! Jury mga karakter kayo sa isang libro!" Sigaw ni Churchill pero imbes na makinig ay pumasok lamang si Jury sa sasakyan habang nakatutok parin sa amin ang kanyang baril.


"Mga baliw kayo!" Sigaw ng kapatid niyang babae sa amin sabay ayos ng suot niyang salamin.


"Si Dondy! Mababangga ang sasakyan niyo at haharangin niya kayo! Yung narinig niyong humihingi ng tulong sa radyo?! Patay na siya!" Muling giit ni Church dahilan para lalong magulat at maguluhan sina Jury.


"Teka paano niyo nalaman—"


"Nasa panganib kayo! Hindi niyo pa alam kasi hindi niyo pa nakikita ang mga bangkay! Nasa umpisa pa lang kayo ng kwento! Mapapatay niya si Harold at hahabulin niya kayong dalawa ni Elaine! Kayo ang bida sa kwentong 'to pero kayo rin ang pinaka pahihirapan niya kayo! Makakakita kayo ng isang sasakyan sa gitna ng daan pero hindi niyo ito papansinin! Hindi niyo alam na may bangkay doon kaya nilagpasan niyo ito hanggang sa biglang mababangga ang sasakyan niyo dahil sa kay Dondy—" Hindi na natapos pa ni Churchill ang sinasabi nang bigla na lamang nilang pinaharurot ang sasakyan at naiwan kaming nakapako parin sa kinatatayuan.


"Sorry hehe." Mahinang sambit ni Shem.


****


"Teka ibig sabihin nasa tayong kwento?!" Bulalas ni Gino habang naglalakad kami sa gitna ng dilim, magkaka-hawak ang mga kamay at sinusundan si Churchill na siyang nangunguna sa paglalakad. Siya ang nakapagbasa ng librong 'to kaya kahit papaano, siya ang may alam.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon