XVII : Here comes Dondy

73.9K 3.3K 1.4K
                                    


CHAPTER XVII:

Here comes Dondy

DANA


"Wacky!"


Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang bumagsak si Wacky sa sahig, hinang-hina, labis ang pamumutla at mukhang mawawalan na ng malay. Sa sobrang takot ko kay Dondy, ngayon ko lang napansin na duguan si Wacky at may tama ng baril sa balikat.


Napakagat siya sa labi niya dahil sa labis na sakit, napakabigat ng kanyang bawat hininga. Hinang-hina man, pinilit parin ni Wacky na tumayo kaya naman dali-dali kong sinabit ang kabila niyang braso sa balikat ko nang maalalayan ko siya.


"Wacky... Wacky please kailangan kita ngayon, Wacky hindi ko 'to kakayanin 'to ng mag-isa." Paulit-ulit kong pakiusap kay Wacky at tumango-tango naman siya. Kitang-kita ko ang pagpupursigi ni Wacky na kumilos kahit na naipipikit na niya ang isang mata niya dahil sa labis na pamimilipit sa sakit.


Humawak ako ng mahigpit sa bewang ni Wacky, sinikap kong matulungan siya sa bawat hakbang nang mabawasan ang hirap na nararamdaman niya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pero sa huli, natumba na naman kaming muli sa sahig.


Bago tumayo ulit, dali-dali akong napalingon sa likuran namin at para akong nabunutan ng tinik nang makitang hindi na nakasunod sa amin si Dondy. Pero hindi ko na nagawang matuwa pa nang maalala ko sina Gino at Pinky.


"H-he's not a devil... He's a fictional character." Napasinghap ako nang maisip ko ang pinanggalingan ni Dondy. At dahil hindi siya Demonyo, maari siyang makaakyat.


"Oh my God si Gino at Pinky!" Hindi ko na napigilang mapabulalas. Hindi ko man alam kung nasaan sila o kung sila man ay nandito pa, malakas ang pakiramdam kong hindi lang kami ni Wacky ang puntirya ni Dondy.



THIRD PERSON'S POV


Mahimbing na natutulog si Pinky sa kama habang nakakabit parin sa kanyang tenga ang headphones na pinasuot ni Gino sa kanya nang sa gayon ay 'wag na itong matakot pa. Samantalang ang binatang si Gino naman ay nakatulog narin sa sahig habang nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama sa kagustuhang mabantayan si Pinky.


Dahil mahimbing sa pagkakatulog, kapwa walang kaalam-alam ang dalawa sa mga nangyayari sa labas ng silid na kinaroroonan. Lalo na si Pinky na tanging musika lamang ang naririnig.


Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang sunod-sunod na kalabog sa pinto ng kinaroroonang silid dahilan para agad na mapabalikwas si Gino ng gising. Dahil naalimpungatan, ilang sandaling nanatiling wala sa wisyo si Gino na palinga-linga lamang sa paligid gamit ang mga matang naniningkit at namumula. Napabuntong-hininga na lamang ito nang makita si Pinky na natutulog sa kama at maalala ang lahat ng mga nangyari.


Napahikab na lamang si Gino at tumayo. Lumapit siya kay Pinky at inayos ang kumot na lumayo na mula sa katawan nito. "Mas mabuti ngang tulog ka nalang kesa umiiyak ka sa takot." Habang nakatitig sa mukha ng natutulog na si Pinky, hindi maiwasan ni Gino na mapangiti ng tipid.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now