XXI : Upper hand

105K 4.3K 4K
                                    


CHAPTER XVI:

UPPER HAND

DANA


Napagpasyahan naming mahinto ni Raze sa gitna ng isang eskinita. Kapwa kami humahangos at balisa dahil sa nangyari kaya naman wala sa aming nagsasalita habang nakasandal sa magkabilang pader.


Miranda wasn't just a classmate or a friend since elementary, she was part of my life—part of our lives. Being born and raised in the little town of Drayton, most of us went to the same school and grew up together. To see her being ripped open like that? It's more than gut-wrenching.


Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko ang takot sa mga mata ni Mira... lalo na ang mismong pag-kain ng hayop na yon sa puso niya. For fuck's sake! He didn't even have a normal mouth! All he had was a bloody wound in his face and it was enough for him to devour her heart!


I was holding Mira's hand... I promised her that she would live.. I promised her survival but in the end, we still lost her. Just thinking about her makes my heart hurt like hell. I was there, I should've done something instead of just standing there crying like the pathetic person that I am.


"Dana, igaganti natin siya... Igaganti natin siya." Giit ni Raze habang humahangos at nakatingin lamang sa kawalan. Namumula ang mga mata niya, tagaktak ang pawis at halatang labis rin ang panlulumo. Pero kahit nanlulumo man, nakikita ko ang galit sa mga mata niya at sa puntong 'to alam ko, gagawin niya ang sinasabi niya.


"H-he ate her heart with his open wound... He didn't have lips or teeth but he still managed to devour Mira's heart with the open wound where his mouth should've been... Raze hindi siya tao!" Sa abot ng makakaya ko, sinikap kong magsalita sa pagitan ng bawat paghikbi ko.


Ayon sa parte ng kwentong naalala ko, pinanganak si Dondy na walang mukha, wala siyang mata, bibig, dila o mga tenga, ang meron siya ay isang butas kung saan sana naroon ang kanyang ilong at ito ang paraan niya para makahinga. Isang araw bigla niyang ginamit ang isang kutsilyo at nilaslas ang mukha niya nang magkaroon siya ng dalawang butas para sa mga mata at isang butas para sa bibig niya. Nagkaroon siya ng matinding lakas na hindi angkin ng isang tao at ginamit ito upang patayin ang lahat ng mga tao sa paligid niya at ginantihan ang mga nang-api sa kanya. Wala man siyang mata o ngipin, nagagawa niyang makakita sa pamamagitan ng laslas kung saan sana naroroon ang kanyang mga mata at nagagawa niyang kumain ng mga laman ng tao sa pamamagitan ng laslas sa kinaroroonan sana ng kanyang dibdib. Sa bawat laman ng taong nakakain niya, lalo siyang lumalakas at sumasama.


"Malalampasan natin 'to pero sa ngayon kailangan muna natin silang hanapin. Makakaganti tayo sa halimaw na 'yon Dana at gaya ng lolo ni Cielo, ikaw mismo ang pupugot sa ulo ng gagong 'yon para kay Mira." Giit ni Raze sabay kuha ng kutsilyo na nakatago sa paanan niya. Ginamit niya ang kutsilyo para punitin ang maliit na bahagi ng manggas sa suot niyang jacket. Itinali niya sa kanyang kamay ang piraso ng tela habang hawak parin ang kutsilyo, ginagawa niya 'to para mas humigpit lalo ang hawak niya sa kutsilyo at 'wag itong mabitawan.


Tumango-tango na lamang ako kahit pa manginig-nginig parin ako't hindi pa lubos makahinga ng maayos. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at kinuyom na lamang ang mga kamay ko.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now