(EPILOGUE TRACK ABOVE)
DISPAREO 3
EPILOGUE (PART 1 OF 2)
END OF TRILOGY
CIELO'S POV
Nagising ako sa isang pamilyar silid. Mula sa amoy hanggang sa bawat detalye ng dingding, siguradong-sigurado na ako kung nasaan ako. Tatlong taon rin ako dito, tatlong miserableng taon na punong-puno ng kalungkutan at pag-iisa.
Naupo na lamang ako sa gilid ng kama at napabuntong-hininga. Napakaraming tumatakbo sa isipan ko hanggang sa namalayan ko na lamang na pumapatak na naman ang luha ko. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa, may sapat naman akong lakas pero ang puso ko ang problema. Natatakot ako. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, natatakot akong malaman kung ano ang nangyari, natatakot akong malaman kung anong ginagawa ko rito sa mental institution na nagsilbi kong tirahan sa loob ng tatlong taon.
Biglang bumukas ang pinto kaya naman napalingon na lamang ako rito at nakita ko ang nars na siyang naging tagapangalaga ko mula nang mapasok ako dito. Bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap ni Raze kaya naman pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti. Siguro kung pipilitin kong ngumiti ulit gaya ng dati, masasanay ako hanggang sa mabalik ang dating ako.
"Sa tatlong taon mo dito, sa wakas nakita narin kitang ngumiti." Tuwang-tuwa niyang sambit at dali-dali akong nilapitan ngunit agad na naglaho ang ngiti niya nang makitang umiiyak ako. Being the kind-hearted woman that she's always been, agad siyang lumapit sa akin at inalo ako kaya naman dali-dali kong pinunasan ang luha ko.
Sa loob ng tatlong taon ko rito, wala akong ibang ginawa kundi magpakamiserable. Ngayon ko lang napagtanto sa sa loob ng tatlong taon na 'yon, may mga tao parin namang nagmalasakit sa akin gaya niya. Inalagaan niya ako at pinakitaan ng kabaitan pero ngayon ko lang ito napansin at napagtanto.
"Thank you po sa lahat." Sa unang pagkakataon, nagawa kong magpasalamat sa kanya. Hindi ko alam bakit pero pagkatapos ng mga nangyari sa amin ng mga kaibigan ko, parang may nahawing napakalaking ulap sa puso at isipan ko.
"Batang 'to, ginagawa ko lang ang trabaho ko," Aniya at agad na pinunasan ang luha ko, "Alam mo kanino ka dapat magpasalamat? Sa papa mo na halos araw-araw kang binibisita pero hindi mo kinakausap."
Dahil sa sinabi niya, nagbalik sa alaala ko ang lahat; kung paano ko laging pinagtatabuyan si Papa, kung paano ko siya laging pinagsasalitaan ng masama dahil ipinasok niya ako dito at kung paano ko siya ituring na isang masamang tao. My dad... he wasn't perfect. He was never good at making decisions but he loved me with his whole heart.
"'Wag ka na ngang umiyak, dapat masaya ka kasi mas mapapaaga 'tong labas mo. Sige na, magbihis ka na at kanina pa naghihintay ang mga kaibigan mo sa'yo."
So that's it huh? We went back in time again... Another do-over... Axel made a wish in exchange for his soul. I wonder what he wished for but I don't want to know because it will only break my heart more.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"