XIX : Believe me, he's evil

81.8K 4.1K 5.4K
                                    


CHAPTER XIX:

Believe me, he's evil

DANA'S POV


"You'll get used to it, just don't forget about the goal." Sabi ko sabay abot kay Pinky ng bottled water na binaon namin mula sa cafeteria.


"What goal?" Aniya. She's still shaken up but atleast ngayon ay nakakausap na namin siya ng maayos.


"Stay Alive together." Sabi pa ni Mira na abala sa paglalagay ng paunang-lunas sa mga sugat ni Pinky sa braso at mukha.


Nakaupo lamang kami sa sidewalk samantalang sina Raze, Axel at Shem ay nakaharap sa bumper ng sasakyan, dito kasi nila ipinatong at kinikilatis ang mapang nakuha nila mula sa isang nakaparadang sasakyan. Although we had a rough start, kinakausap namin si Pinky para naman kahit papaano ay mapalagay siya. On the other hand, nakaupo lamang si Churchill sa isang tabi, nakatulala at para bang napakalalim ng iniisip.


"Ano kayang iniisip nun?" Tanong ni Mira na napapansin narin pala ang ibang kinikilos ni Churchill.


"If we're not in this place, malamang linguistic paradox at prescriptivism theories ang iniisip niya but since andito tayo, I bet he's thinking of what he fears the most." Hula ko na lamang.


"So you mean he's smart? Gino looks smarter than him but Gino pronounces 'Divided by' as 'Dibay-dibay'." Tanong naman ni Pinky matapos maubos ang bottled water niya. Hindi namin napigilan ni Mira na magtawanan ng bahagya. Sa gulong kinasasangkutan namin, maliit na bagay natatawa na kami. Naalala ko tuloy si Cielo noong bata pa kami, she used to say Vocaler instead of Vocalist. Like how she proudly screamed back in elementary na si Ely Buendia ang Vocaler ng E-heads, I laughed so hard back then which caused me to drool.


"Church may look like a 2008 Jejemon na nag-time travel sa 2016 but trust us, he's multilingual and he's the most intelligent among us. No offense Dana." Sabi pa ni Dana dahilan para agad kaming matawa ni Pinky. Mira has a point, Churchill is way smarter than he looks, I mean he may not be an over-achiever or competitive sa school pero alam namin ang kakayahan niya.


"Guys tara na." Biglang sensyas nila Raze.


****


Muli, maingat kami sa bawat kilos at dinadaan. Hangga't sa maari, wala sa aming nagsasalita at pinapakiramdaman lang namin ang paligid. We were lucky that Raze and Axel heard our screams back in the school, nagbabasakali kaming mauulit 'yon at sa pagkakataong 'to ay sina Wena naman o Gino ang matutulungan namin.


Sumusunod lamang kami sa pangunguna nina Axel at Raze. They've been here longer than us kaya naman mas marami silang alam at magagawa. Mira, Pinky and I are holding each other's hands while walking, hindi pa namin masyadong kilala si Pinky pero sa kabila nito ay komportable na kami sa isa't-isa, we don't want her to feel alienated too lalo na sa sitwasyon namin ngayon. All we have is each other and it's important to stick together no matter what happens.


Maya't-maya akong napapalingon kay Churchill at Shem na nasa likuran namin. Shem is being cautious as always at maya't-maya siyang napapahawak sa helmet niya na samantalang si Churchill naman ay mukhang balisa talaga. I'm worried about him, I mean I have fears too but I'm trying not to get affected.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon