XIV: Yet another bloodshed

93.4K 3.9K 1.9K
                                    



Note: I don't have the luxury of time to proofread stuff so to the Grammar and Spelling Nazzis out there, it's either carry on or scoot for good lol.


CHAPTER XIV:

Yet Another Bloodshed

DANA


"Guys?! Guys asan kayo?!"


Hindi ako mapakali. Labis ang pagkabog ng puso ko at walang tigil ang panginginig ng mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o dahil sa sobrang lamig.


Paulit-ulit kong nililibot ang paningin ko ngunit wala akong ibang nakikita kundi kadiliman, walang hanggang kadiliman. Habang tumatagal, lalong lumalamig ang paligid kaya napapayakap na ako sa sarili ko kasabay ng pagngatog ng labi ko.


"778... Everything's going to be okay..." Bigla kong narinig ang boses ni Cielo na animo'y nanggagaling sa kawalan. Sa pagkakataong 'to, ang boses niya lang gusto kong marinig, ang boses niya lang ang nagpapabuti ng nararamdaman ko kaya naman kahit nasa kadiliman, nagsimula akong maglakad upang masundan ang pinanggagalingan ng boses niya.


"Cielo? Cielo asan ka?" Pinipilit kong maglakad ng mabilis, naririnig ko ang boses ni Cielo ngunit pahina ito ng pahina na animo'y lumalayo na siya. Ayokong lumayo siya, ayokong mawala ulit siya.


Bigla akong may naramdamang bumagsak mula sa madilim na kalangitan at dumampi sa balat ko. Mainit ito at napakasarap sa pakiramdam, unti-unting nawawala ang lamig na napakatagal ko nang iniinda. Napatingala ako, gusto kong pagmasdan ang bumabagsak mula sa kalangitan ngunit laking gulat ko nang makita kung ano ang mga ito—maliliit na bola ng apoy.


Hindi ako nasasaktan sa apoy na dumadampi sa balat ko, para pa ngang gumagaan lalo ang nararamdaman ko. Nakakatuwang pagmasdan ang maliliit na bola ng apoy na nalalalaglag mula sa kadilimang nakapalibot sa akin.


Makaraan ang ilang sandali ay bigla na akong nakaramdam ng matinding init, para na akong napapaso, nasasaktan na ako. Habang tumatagal lalong tumitindi ang sakit kaya naman nagsimula akong tumakbo upang makailag, takbo ako ng takbo ngunit parang wala akong patutunguhan. Sa isang iglap ay bigla akong nawalan ng balanse sa sarili ko, gumuho ang kinatatayuan ko at nakita kong babagsak na ako sa isang maliwanag na lugar. Wala akong magawa kundi tumili.


Napasinghap ako at agad napabangon mula sa malamig na sahig na siyang hinihigaan ko. Tagaktak ang pawis ko at panay ang panginginig ng mga kamay ko. Naupo na lamang ako at napasandal sa pader habang yakap ang sarili ko. Panaginip na naman pala.


"Miss okay ka lang?" Kunot-noong tanong ng babaeng pulis na nakaupo sa isang mesang nasa dulo ng silid.... Sa labas ng maliit na selda kung saan nila ako ikinulong.


"We got into an accident but instead of being rushed in the hospital, Your cop buddies just arrested us for a crime we didn't commit. Do you think I'm okay?" Tanong ko na lamang sabay punas ng pawis ko gamit ang manggas ng jacket ko.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon