VII: Three Days Ago

186K 6.3K 6.6K
                                    

CHAPTER VII:

"Three Days Ago"

DANA

(FLASHBACKS)


"Harper can't you see what I'm wearing?! This outfit is not meant for grocery shopping!" Bulyaw ko nang inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng nag-iisang nakabukas na grocery store dito sa Drayton. Ugh, I hate this place lalo't andaming madilim na eskinita sa tabi-tabi, tipong isang tingin palang, alam mo nang maraming batang-hamog at adik sa tabi-tabi. Tipong hindi ka pa nga nakakabili, ubos na ang pera mo kasi naholdap ka na.


"Dana, pagbigyan na natin ang birthday boy, nakiusap eh. Tutal naman papunta pa tayo sa venue, tayo nalang ang bumili." Sabi pa ni Harper sabay suot ng kulay grey niyang hoodie at medical face mask.


"Harper it's almost 9pm, kailangan mo parin bang itago ang mukha mo?" Tanong ko na lamang.


"At ano? Para ipagtabuyan tayo pag nakita ako? No way. Mas mabuti pang umiwas nalang ako sa gulo." Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko talaga maiwasang maawa kay Harper, dati kasi halos perpekto na ang buhay niya. Her parents are the most powerful people in Drayton, Tatay niya Mayor, I mean former mayor, tapos ang nanay niya naman isang bigating negosyante. Kaso nagbago ang lahat nang maakusahan ang pamilya niya ng katiwalian. Lumayas at nagpakalayo-layo ang mga magulang niya, iniwan siya dito kaya naman mag-isang tinitiis ni Harper ang lahat ng masasamang sinasabi ng lahat. From being one of the most popular kids in school to being one of the most bullied, ridiculed and judged. Ang malala, hindi lang mga kaedad namin ang tumatrato sa kanya ng ganito, ang lahat. Kahit yung mga matatanda at may pinag-aralan, akala mo sinong santo at santa. Hay, kaya nga siguro naging kaibigan ko 'tong si Harper kasi pakiramdam ko pareho kami, inabandona ng mga taong inaasahan naming mananatili sa tabi namin.


Pero kung tutuusin mas maswerte si Harper kasi kino-contact parin siya ng Daddy niya. Nakakabilib rin si Harper kasi di siya nagtatanim ng sama ng loob sa mga magulang niya.


"Dana! Ano ba? tara na!" Giit ni Harper na nakalabas na pala ng sasakyan.


"Harper tingnan mo kasi tong suot ko?! I'm too fab to enter that disgusting place!" Giit ko sabay paalala sa kanya na nakasuot ako ng neon blue strapless dress na hanggang tuhod lang at stilettos.


"Sinabi ko naman kasi sa'yo, birthday party ni Churchill ang pupuntahan natin at hindi senior's ball." Natawa niyang sambit at itinuro ang backseat, "Kanina diba binigyan ka ng Daddy mo ng Denim jacket? Gamitin mo nalang 'yon ang cute kaya 'nun." Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako't ipinaibabaw sa blue dress ko ang denim jacket.


"Ba't ba sa lahat-lahat ng pwedeng bilhan natin ng drinks at booze dito pa? Agnas na agnas ako dito." Reklamo ko habang papasok kami. Kasi naman eh, ang panghi-panghi sa labas, parang ginawa ng comfort room ng mga batang hamog ang driveway.


"Kasi andito rin daw ang best friend ni Church. Bago pa kasi 'yon dito sa Drayton at medyo nalilito pa kaya sabi ni Church isabay nalang natin." Sabi pa ni Harper kaya napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon