Chapter 17 (additional chapter)

1.4K 14 1
                                    

Chapter 17

Tim’s POV

Maghapon kaming andito ni Maylene sa park, wala lang tinamad na kaming pumunta sa iba pa. Nung una nagbike kaming dalawa, at dahil nga naka dress siya angkas angkas ko siya. nilibot namin yung buong park. Mabagal lang yung magmamaneho ko ng bike dahil nga nakapalda siya, saka syempre para feel na feel ang moment.

Matapos ang isang lap ng pagbabike sa buong parke ay natihog tuhog kami ni Maylene, ang sarap nga niyang kasama kasi di siya maarte, bukod sa tuhog tuhog ay nag ihaw ihaw din kami. Yun na ang tanghalian naming dalawa. 

Pampababa ng kinain namin nilakad namin yung buong parke, malaki naman kasi itong parkeng to. Marame ding taong andito ngayon. Habang naglalakad kami ay may nakita kaming dalawang bata na hirap na hirap sa pagpapalipad ng sarangola nila. Kaya naman lumapit kami don ni Maylene at tinulungan silaa magpalipad.

Nakita kong galak na galak si Maylene habang nakikipaglaro kami sa mga bata ng sarangola, nung matuto na yung mga bata ay iniwan na namin sila ni Maylene at muling naglakad.

Magkahawak kamay naming nilibot ang buong parke, buti na nga lang at maulap at mahangin kaya naenjoy talaga namin ang paglalakad na dalawa.

Sa paglalakad namin ay inabot kami ng gutom, bumili ako ng ice cream kaso naalala kong di nga pala siya mahilig sa sweets kaya naman mais nalang yung binili ko para sakanya.

Naglakad ulit kami habang kumakain kami na magkahawak ang mga kamay. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ginagawa naming dalawa. Pagkatapos naming kumain ay naupo kami sa ilalim ng malaking puno doon.

Dinadama ko ang hangin na tumatama sa muka ko habang nakaupo kaming dalawa. Sinandal niya ang kanyang ulo saking balikat

“thanks sa pagdala sakin dito Tim” tumingin naman ako sakanya bago magsalita

“basta ikaw” nakangiting sabi ko, ngumiti din siya bago ipikit ang mga mata niya

Maya-maya pa’y nakatulog na siya, pinagmamasdan ko siyang matulog ng bigla siyang dumilat at gulat na gulat na makita ko.

“shit” nasabi ko sa isip ko

*pak

Tulad ng inaasahan ko ay nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula kay May

Shit!! Nabingi ata ako don a, nadali din niya kasi yung tenga ko pagkasampal niya sakin

“how dare you!! You pervert!!!!” at isa pa ulit malutong na sampal ang binigay niya sakin, grabe tong babaeng to!! Ang sakit!! Ang gwapong muka ko, pano na?

“how come I’m with you? Did you kidnap me? and the hell with this dress!!!!” nagpapapadyak siya sa sahig habang inuusisa niya ng mabuti ang suot niya at ang lugar kung nasaan kami ngayon

“OMG!! Did you? Ohh shit!!! You pervert!!!!kidnaper!!!” napatingin naman ako sa mga taong nanonood samin, medyo eskandalosa tong babaeng to ha

“May” napatingin kaming dalawa sa tumawag sakanya, si Tom

“you!!!” duro niya kay Tom

“did you know that this pervert twin of you kidnap me here?” bakas ang inis sa muka niya, hay naku di ko akalain na iisa lang talaga sila ni Maylene na sobrang sweet at di makabasag pinggan

“bro ako na bahala sakanya” nagwalk out nap ala si May, tumango nalang ako bilang sagot kay Tom, ano bang mapapala ko? e man hater ata yang si May

Umalis na si Tom sa harap ko at sinundan na si May, ako eto napasandal nalang ako sa puno. Okay na e, ayun na, ang saya na naming dalawa ni Maylene e, kaso lumabas naman si May. Haaays, ang hirap naman nitong pinasok ko. pero dapat kong tanggapin si May at dapat din akong gumawa ng paraan para matanggap ako ni May. Siya at si Maylene ay iisa, hindi man sa ugali niya ko nahulog, mahal ko parin siya. hindi ko pwedeng sabihing si Maylene lang ang mahal ko, dahil baliktarin man natin ang mundo. Si May at Maylene ay iisa. Si Maylene at May ang babaeng iniibig namin ng kakambal ko.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now