Chapter 4 (edited)

6.4K 51 6
                                    

Chapter 4

 

Tom’s POV

Muli akong pumunta sa mall kung saan ko nakita at iniwan nung babaeng umisnob sakin kahapon. Bukod sa hindi ako makakapayag sa ginawang pangsnob at pag-iwan niya sakin, hindi din ako mapakali. Feeling ko kasi may something sa babaeng mataray nay un na makakatulong sakin para makalimutan si Princess.

Naglakad lakad ako sa mall nagbabakasakaling makakasalubong ko siya. Pumasok din ako sa iba’t ibang store don pero no sign of her. 

Nang mapagod na ko ay tumungo ako sa isang fast food doon at umorder ng makakakain. Pero kapag minamalas ka nga naman talaga, kagaya kahapon ay wala na naman akong mapwestuhan. Nagpalinga linga nalang ako at nagbakasakaling may umalis pero wala  talaga e. Kaya tinignan ko nalang yung mga nag-iisa sa mesa at may naspotan naman akong babaeng naka white dress na mag-isang kumakain. Lumapit ako sa mesa niya “miss pwedeng makitabi?” umangat siya ng ulo at halos kumawala ang puso ko ng makita ang magandang muka niya. Okay na sana kaso “pwede naman basta wag kang istorbo” matigas na sabi niya

Umupo nalang ako sa harap niya at hinintay ang pagkain ko ng tahimik. Siya yung babae kahapon hindi ako nagkakamali. Pero bakit ba ang init ng ulo niya sakin? Lagi siyang nagtataray kapag kinakausap ko siya. O namukaan niya ba ko? Baka naman mamaya hindi na niya ko naalala, samantalang buong oras na andito siya sa mall kahapon ay panay ang sunod ko sakanya.

“miss?” tawag ko sakanya, humarap naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay

“May” walang ganang sabi niya at bumalik sa pagkain niya, so May pala ang name niya

“Tom” sabi ko nalang, tinignan ko siya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng muka niya. Ano bang mali sakin? Bakit ba ang taray niya sakin? O sadyang mataray lang siya?

Dumating na ang pagkain ko at nagsimula na kong kumain, paminsan minsan ay tinitignan ko siya habang siya naman ay tahimik na inuuboss ang pagkain niya. Napapansin ko ding patingin tingin siya sa cellphone niya, may boyfriend na siguro talaga siya at yun ang hinihintay niya

Pagkatapos niyang kuamin ay agad siyang tumayo ng walang paalam, kaya naman mabilis kong inubos ang pagkain ko at sinundan siya

“May wait!” sigaw ko pagkalabas ko ng fast food chain na iyon, nakita ko namang huminto siya kaya naman nagmadali ako at pumunta sa harap niya

“what?” mataray na tanong niya habang nakataas ang kanyang mga kilay

“I like you” walang pakundangang sabi ko, nakita kong ngumisi siya akala ko ay sinyeles yun na magiging okay na siya sakin, pero akala ko lang pala yun

“so what if you like me? you think that I’ll like you too?” mataray na sabi niya sabay talikod sakin

Naiwan naman ako dong nakatulala at hindi makapaniwala sa nangyari

Ako si Tommy Pucker gwapo ay nabusted ng babaeng pangalawang beses ko palang nakita sa tanang buhay ko. What a life! Hindi, hindi ako kakapayag na basta basta niya nalang akong tatalikuran ng ganto at iiwan ng ganto. Hindi ako makakapayag, hindi lang isang beses niya kong ginanto, aba kahapon pa siya, quota na siya sakin.

Sinundan ko siya palabas ng mall, hindi ako titigil hangga’t hindi siya bumibigay sakin, hindi ako makakapayag na gantuhin niya lang ang isang Pucker na kagaya ko.

“May” tawag ko sakanya nang maabutan ko siya, huminto naman siya sa paglalakad at nakita kong bumunton hininga muna siya bago siya humarap sakin

“alam mo Tom whatever, wala kong pake kung you like me or what, tigilan mo ko, I don’t care about your damn feelings, I don’t care kung ano man ang gusto mong mangyari. Wala akong pake sayo and I will never have any care about everything you do and you say, so please just get lost!” inis na sabi niya at muling tumalikod, aba hindi na talaga ako papaya ng ganto. Anong ikekwento ko kay Tim ha? Na tinarayan na naman ako ng babaeng nakilala ko tapos siya ang ikekwento niya sakin ay ang masayang usapan at date nila nung Maylene niya? Aba hindi pepwede to, ako ata si Tommy Pucker, gwapong nilalang mula sa lahi ng mga Pucker at alam kong bibibgya din tong May na to sakin.

“BABE!! I LOVE YOU PLEASE DON’T LEAVE ME, WAG KANG SUMAMA SA LALAKING YUN, HINDI KA NIYA MAHAL” nakakahiya, pinagtitinginan na ko ng mga tao ditto, pero wala akong pake, gwapo ko ayus lang na gumawa ko ng eksena ditto at hindi naman talaga nakakahiya dahil sa mga naririnig kong bulungan na kesyo sweet daw at kung anu-ano pa. tignan nalang natin kung hanggang saan ka May.

“what the hell” kita kong bigkas niya, kahit walang tunog alam kong yun ang sinabi niya. May May May, you can’t escape from a Pucker

“I LOVE YOU MAY, PLEASE MARRY ME” lumuhod pa ko para naman convincing talaga, wala kong pake sa mga kumukuha ng video o picture ko. Kailangan magtanda ng May nato, hindi sa lahat ng pagkakataon madadala niya ko ng katarayan niya.

Naramdaman ko nalang na may humihila sakin at narinig ko ang tilian ng mga tao sa paligid ko

“what the, hoy Tom mahiya ka nga, tumayo ka nga dyan” inis na bulong niya sakin

“Marry me” nakaluhod pa rin ako at nilakasan ko talaga ang pagkakasabi ko para mahiya siyang lalo, kutang kita ko kung paanong mamula ang buong mukha niya pati na din ang tenga niya dahil sa kahihiyan niya sa mga pinagsasasabi ko.

“oo nay an”

“ate kuing ayaw mo sakanya ako nalang papakasal sakanya”

“yiii oo na yan”

Alam kong anytime bibigay na din tong babaeng to, tignan natin kung hanggan saan ang katarayn ng May na to.

“Fine” bulong niya at nagpakawala ng isang buntong hininga bago muling bumaling sakin

“sorry babe, pero mas mahal ko siya, and you’re such a jerk” sabay tadyak niya sa best friend ko at talikod sakin. Fuck the! Ang sakit, ang sakit ng best friend ko at ng ego ko, ano bang problema ng mataray na babaeng to?

Kahit sobrang sakit ay pinilit kong makatayo at makaalis sa lugar na iyon, hindi na maganda ang naririnig ko mula sa mga tao. Nahihiya na ko para sa sarili ko. Hindi ako ipinanganak ng ganto kagwapo para lang ipahiya sa harap ng sang libutan. May whoever you are, humanda ka talaga sa sususnod na pagkikita natin. Hindi ako makakapayag na gagantuhin mo lang ang isang Pucker na kagaya ko.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz