Chapter 15 (edited)

2.2K 21 2
                                    

Chapter 15

Tim’s POV

Gulong gulo ako, hindi ko alam kung anon g mangyayari samin ni Maylene ngayon. Parang nung nakaraang araw lang masaya kaming nagkekwentuhan at nagtatawanan sa convenient store na yun. Parang nung isang gabi lang inamin niya sakin gusto niya din ako. Tapos ngayon ng dahil sa sakit niya ay nagulo ang lahat.

Ang babaeng kinikita ko at ang babaeng kinikita ni Tom ay iisa. Kahit na sabihin pa nating magka-ibang personalidad ni Maylene ang dinidate namin ni Tom. Hindi parin maalis na in love kaming dalawa sa iisang babae.

Sa pangalawang pagkakataon ay umibig na naman kami sa iisang babae. Nung una ay kay Pincess, ngayon naman ay kay Maylene.

Ayokong kalabanin ang kakambal ko para sa bagay na ito. Pero hindi ako makakapayag na mapunta sakanya si Maylene. Oo ilang buwan halos palang kaming magkakilala ni Maylene, pero ramdam ko sa sarili ko, sa puso ko na mahal ko na isiya. Kaya naman hindi ako susuko. Iintindihin ko ang sakit niya. Tanggap ko ang pagkatao niya. Wala akong pake kong may DID pa siya. Kahit siya pa si May o si Maylene, tatanggapin  at mamahalin ko siya ng buong buo.

Ngyayon ang problema namin ni kambal ay ang oras ng pakikipagkita sakanya. Paniguradong maghehesterical yun kapag siya si May tas ako ang nakita niya. At kapag naman si Maylene ang nakasama ni Tom, baka naman magkamabutihan sila. Masyadong mabait si Maylene kumpara sa isang katauhan niyang si May. May posibilidad na makagaanan niya ng loo bang kakambal kong si Tom kapag nagkita sila na siya si Maylene. Kaya dapat kapag magkikita kami ay siguradong siya si Maylene at kapag nagkita sila ni Tom ay dapat siya ay si May.

Pero fuckshit lang, ang gulo talaga. Parang lumalabas tuloy na tinnotwo time kami ni Maylene. Haaays!! Ano bang gagawin ko?

Dapat makombinsi ko si May na tanggapin ang treatment. Tama!! Dapat kaibiganin ko din si May para kung sakaling siya ang maiwang katauhan may pag-asa pain ako. Pero wag nalang kaya? Paubaya ko nalang si May kay Tom? Pero hindi, kapag ginawa ko yun pinapakita kong hindi ko siya mahal.

Fuck!! Ano bang kasalanan ko sa mundo at ang gulo ng love life ko?

Maaga akong nagising kinabukasan, napagdesisyunan kong sunduin si Maylene sakanila tas maiba naman pupunta kami sa park. Sana lang siya si Maylene ngayon, dahil ayaw kong mapurnada ang date namin.

Pababa na ko ng hagdan ng nakita ko si Tom na bihis na bihis

“o kambal san punta mo?” tanong ko dito, humarap naman siya sakin at nagulat dahil bihis na bihis din ako

“parang alam ko na kung saan” ngumisi lang siya sakin pagkatapos ng sinabi ko

“ano sabay nalang ba tayo?” tanong niya habang abala sa pagaayos ng buhok niya

 “mukang ganun na nga” so makikipagkompetensya na talaga siya sakin ha?

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now