Chapter 13 (edited)

2.3K 26 8
                                    

Chapter 13

Tim’s POV

Palihim kong sinundan si Maylene, nagtataka ko sa ikinikilos niya, ayokong maghinala pero pakiramdam ko may mali sa set-up na to. May mali, may bagay na hindi ko maipaliwanag, lalong dumadame ang katanungan sa utak ko dahil sa ikinikilos niya.

Nakita kong pumasok siya sa loob ng CR ng girls, kaya naman nag-abang ako sakanya palabas, pero imbes na siya ang makita ko ay yung tomboy ang nakita kong lumabas bitbit ang malaking bag na kanina ay bitbit niya.

Ilang minuto po ay naghintay ako sa labas ng CR ng girls pero walang Maylene akong nakikitang lumabas, kaya naman naglakas loob na kong magtaong don sa isang babae

“miss, excuse lang, may nakita ka bang magandang babe na kulot ang buhok na kulay brown na may malaking bag dyan sa loob?”

“a yung tomboy ba? Lumabas na” sgot nito sakin, hindi naman yung tomboy na yun ang hinahanap ko e, si Maylene ang kailangan ko hindi yung tomboy na yun.

“a hindi miss, hindi tomboy ang girlfriend ko”

“ay kuya, wala naman ng ibang tao dyan sa loob e. saka yung tomboy lang na lumabas kanina yung sakto sa description mo”

“sige salamat miss” agad kong tumakbo para habulin yung tomboy na kamukha ni Maylene. Shit shit shit! Hindi kaya siya talaga si Maylene? Hindi kaya hindi totoong magkakambal sila ni May at siya lang din talaga si May? Pero bakit niya kailangan magpanggap na ibang tao? Pinaglalaruan niya ba kami ng kakambal ko? Kung oo, bakit? Anong mapapala niya sa ginagawa niya samin ng kakambal ko? Isa ba siya sa iilang babaeng pina-iyak namin? Maylene, sino ka ba talaga? Anong gusto mo samin ng kakambal ko? Bakit mo kami pinaglalaruan ng ganto?

Hindi ko na nagawang abutan ang tomboy na yun, mawawalan na ko ng pag-asa na mahabol siya ng makigta ko si Tom sa labas ng mall. Kapag siniswerte ka nga din minsan, kung kailan kailangan ko ang kakambal kong to ay siya namang paglitaw niya.

Sa pamamagitan ng kotse ng kakambal ko ay hinanap namin kung saan nagpunta ang sasakyang sinkyan ng tomboy na yun. Akala ko talaga ay wala ng pag-asa na mahabol namin sila, pero swerte talaga ata ang kambal. Nakita naming nakatigil sa isang gasoline station ang sasakyang sinakyan nung tomboy. Maya-maya pa’y sumakay doon si May na bitbit ang malaking bag na kanina ay bitbit ni Maylene at nung tomboy.

“tangna pre, wag mong sabihing pare parehas sila ng bag” ano to gaguhan? Nagkataon lang na pareparehas silang tatlo ng bag? Aba kahit kambal kami ni Tom hindi ako papaya na parehas kami ng gamit. Tama ng paghatian namin ang gwapo naming mukha pero ang mga gamit namin? Hindi pwede, hindi pwedeng parehas kami ng gamit. Matanda na silang tatlo para manatiling pareparehas ang mga gamit nila kagaya ng mga batang kambal.

Sinundan namin ni kambal ang sasakyang sinakyan nung tomboy at ni May, buti nalang at sa Pucker Ville ito pumasok dahil madali lang kaming nakapsok sa loob ng private subdivision na iyon.

Nakita naming tumigil sa isang malaking bahay ang sasakyan at mula doon ay lumaba ssi May at ang kuya niya. Hinintay naming bumaba ang tomboy, pero walang tomboy na bumaba doon, ang nakakagago pa ay isang bag na malaki lang nakita naming bitbit ni May pagkababa

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now