Chapter 20 (additional chapter)

1.5K 16 1
                                    

Chapter 20

Tom’s POV

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Tim sa bar counter na nag-iinom. Kumuha ko ng alak at tumabi sakanya.

"parang taon na ang nakalipas nung huli tayong nag-inom nu?" sabi niya sabay lagok ng hawak niyang alak

"yeah" tanging sabi ko nalang at lumagok din sa alak na hawak ko

"she can't remember me" takang napaharap naman ako sakanya

"bumalik na siya sa dati, and she can't remember me" naalala ko yung nangyari kanina bago ako iwan ni May, so kaya hindi niya din ako nakilala dahil hindi siya si May o Maylene lang?

Ano ba tong napasok namin ng kakambal ko? Ganto ba talaga kami kamalas pagdating sa pag-ibig? Wala na bang pag-asang magka love life kami? Yung love life na matino, yung love life na hindi komplikado, yung makakahanap kami ng babaeng hindi namin iibigin parehas, yung akin ay akin at kanya ay kanya. Hindi yung gantong love life, hindi yung gantong hindi kami maalala nung nililigawan namin, hindi yung gantong kailangang ungusan ng isa ang isa, hindi yung gantong in love kami sa iisang babae.

Nakakatawang isipin na in love kami sa iisang babae pero may dual personality naman. Ngayon mas nakakatawa pa dahil may isa pa siyang personality na lumabas.

Hindi ko alam kung paano namin to malulusatan ni kambal, basta ang alam ko lang, dapat na kaming gumawa ng paraan para matapos na to.

A week after tinawagan kami ng kuya ni May, kailangan daw naming pumunta sakanila. Sa loob ng buong week na yun, hindi namin kinulit si May, sinabi na din namin iyon sa kuya niya. Naiintindihan niya naman daw na kailangan naming tatlo ng pahinga. At ngayon nalang ulit naming makikita ni kambal si May

"there are you boys" salubong samin ng kuya niya, pinaupo niya kami sa supa habang hinihintay si May

"okay, pinatawag ko kayong dalawa para sabihing pumayag na siya magunder go treatment" napatingin kaming pareho sa kuya ni May

"and about the outcome, alam niyo naman na diba?" tumango naman kami ni kambal bilang sagot " I hope hindi kayo mawawala sa tabi niya after the treatment. And sana tanggapin niyo ano man ang maging resulta ng mangyayaring treatment"

Ang treatment na mangyayari ang magbibigay ng liwanag sa mga pangyayari. Sa mangyayaring treatment namin malalaman kung sino ang maiiwan, si May na minahal ko? si Maylene na minahal ni Tim? Si Len-len na tomboy? Si May-may na isip bata? o yung totoong personality niya na kailangan naming kilalanin? At sa tulong ng treatment na ito, may isa na samin ni kambal ang pipiliin ng personality na maiiwan.

Pero ito lang ang sigurado ako, kahit sino pa man ang matira sa oras na matapos ang treatment ay tatanggapin ko ang mangyayari.

Tim's POV

Six months, six whole months na ang nakakalipas matapos ang treatment ni Maylene, at six whole months na din namin siyang hindi nakikita. Wala kaming balita sakanya matapos ang treatment niya. Hindi din namin alam kung sino ang naging resulta ng treatment niya, kung siya ba si May, si Maylene o si Ailene. Ang mas nakakakaba pa ngayon ay kung naaalala niya pa ba kami ni kambal.

Yung minsan ka na nga lang mafall in love sabay pa kayo ng kapatid at kakambal mo, matindi don yung kapatid mo yung gusto niya.

Yung muli kang nafall in love sa babaeng in love din ang kakambal mo masaklap non may dual personality yung babae.

Yung hindi mo alam kung ano ng susunod na mangyayari matapos ang lahat.

Yung sitwasyon namin ngayon ng kakambal ko, yun yun e. Nakakaloko, parang pinaglalaruan kami ng tadhana.

Kung pwede ko lang kausapin ang tadhana sasabihin kong "pre, wag mo naman kaming paglaruan ng kakambal ko, ang gwapo namin tas paglalaruan mo lang kami ng ganto, aba naman"

Siguro kung may nakakakita sakin ngayon iisipin yung taong yun na baliw na ko, baliw kakaisip sa mga pwepwedeng mangyari. Six months na kong nag-iisip ng bongga, buti na nga lang at hindi napapagod ang utak ko sa pag-iisip. At buti nalang din gwapo parin ako kahit na marame kong iniisip. Sabi pa naman nila nakakapanget daw ang sobrang pag-iisip. Baka mamaya niyan hindi maniwala sakin si Maylene na iniisip ko siya dahil sa gwapo parin ako.

Tom's POV

Minsan gusto ko nalang sumuko, minsan gusto ko nalang utusan ang puso ko na magmahal nalang ng iba, minsan gusto ko nalang utusan ang utak ko na kalimutan ko nalang siya. Pero sino ba ang lolokohin ko kung sakali? Mahal ko si May, kahit ano pang kalabasan ng treatment mananatili ang pagmamahal ko sakanya.

Anim na buwan, anim na buwang walang May o Maylene man lang sa buahay namin ng kakambal ko.

Inaalaska na nga kami ng mga kaibigan namin e.

"seryoso? In love kayo?"

"Pucker na naghihintay sa babae? Joke yun?"

"sa gwapo niyong yan single parin kayo?"

"wow ha, bago to, kambal na Pucker single?"

Mga loko loko, hindi ba nila alam na ang salitamg love ay dynamic kagaya ng mundo? Mahirap mang paniwalaan, pero oo in love kami ng kakambal ko sa babaeng hanggang ngayon hindi pa nagpaparamdam samin.

Parang kailan lang salitan kami sa mga babaeng ikinakama namin. Parang kailan lang hati kami sa mga babaeng ikinakama namin. Parang kailan lang hindi namin alam ang mga salitang "love" "relationship" "loyalty" "waiting" at higit sa lahat "serious".

Hindi kami marunong magmahal, hindi kami marunong maghintay, hindi kami marunong maging seryoso. Pero ng dahil lang sa issang babae naging ganun kami.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon