Chapter 3 (edited)

7.7K 56 2
                                    

Chapter 3

 

Tim’s POV

Hindi ko alam kung anong topak ko at bumalik ako sa “Stop Mart”. Hindi ko kasi mahalubgob ang magaling kong kakambal na iniwan ako sa bahay kasama si Princess, langya nananadya ata yung mga kapatid ko at iniwan ako kasama si Princess e. kaya naman napagdesisyunan kong bumalik nalang ng Stop Mart par asana tumambay at mag-abang ng mag-aaya ng inuman.

Pumwesto ko don sa pwesto kung saan nakita ko kagabi yung babaeng umiiyak, wala sa sariling nilabas ko yung napulot kong bracelet at pinagmasdan iyon “Maylene”. Sino kaya ang nakawala nito? Naalala ko tuloy yung iniiyak nung babae kagabi, nawala daw yung anklet niya na bigay ng namatay niyang boyfriend.

“anklet” napafacepalm nalang ako nang mapagtanto kong hindi isang malaking bracelet ang hawak ko, anklet, isang anklet ang napulot ko. Kanya kaya ito? Ibinalik ko na agad ang anklet at hinintay siya, nagbabaka sakali na bumalik siya ditto para hanapin ang anklet niya.

Ilang minuto na din akong nakatulala sa kawalan ng maramdaman kong may umupo sa harap ko.

“madalas ka dito?” napatingin ako sa babaeng nasa harap ko, andito ulit siya, tama ako ng hinala, babalik siya ditto para hanapin ang anklet niya.

“hindi naman, ikaw?”

“dati, dito kasi kami nagkikita ng EX ko” may bakas ng kalungkutan sa pagkakasabi niya

Naiinis ako sa sarili ko, kung makareklamo ko tungkol sa pagpapakasal ni Princess sa kapatid ko, kung makapagreklamo ko sa sakit na nararamdaman ko akala mo kung gano na kabigat ang dinadala kong problema. Samantalang itong babaeng kaharap ko ngayon, hindi lang basta basta broken hearted, namatayan siya ng taong mahal at kahit ganon nakukuha niya paring mamuhay araw araw ng normal at pinakikita niya na wala siyang problema, well kung mamatawag na pagpapakita na wala siyang problema yung pagngawa niya kagabi.

“mahal na mahal mo siguro siya ano?” how stupid of me, iiyakan niya ba naman yun kung hindi? Minsan talaga nakakalimutan ko yung utak ko sa bahay e

“oo naman, sobra” nakangiting sabi niya habang parang inaalala yung mga masasayang bagay na pinagsamahan nila. Naiinggit ako sakanya, buti pa siya mahal siya ng mahal niya, samantalanag ako mahal ng mahal ko ang kapatid ko at ngayon ay kasal na sila

“magpapakasal na nga dapat kami e” nagulat ako sa sinabi niya, tangna wala kong karapatan magmukmuk, mas malupit ang pinagdadaanan ng babaeng nasa harap ko ngayon

“sorry to hear that” wala kong ibang alam na sabihin, bakit kasi napunta kami sa usapan tungkol sa EX niya?

“It’s okay, siguro time na para kalimutan ko siya, it’s been months na din naman” nakangiti ngunit malungkot ang mga mata niya ng sabihihn niya iyon. Kinapa ko ang anklet na nasa bulsa ko, I don’t know if I should return it to her, after all gusto niya na daw kalimutan ang EX niya.

“can you acompany me for a while?” tumngin ako sa kayang and unconsiosly nooded as an answer

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now