Prologue (edited)

21.4K 95 5
                                    

Copyright © 2013 by greeny_fiona

 

All rights reserved. This book or any portion
may not be reproduced or used in any manner whatsoever
without the express written permission of the writer.

 

 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

 

WARNING SPG!!!

 

KUNDI KA PA HANDANG MAGBASA NG MGA ISTORYANG NAGLALAMAN NG SEXSUAL NA PANANALITA AT EKSENA AY WAG MO NG SUBUKAN PANG BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHINA.

 

ANG AKDANG ETO AY NAGLALAMAN NG MABIBIGAT NA EKSENANG HINDI ANGKOP SA MGA BATA

 

 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

 

WAG NG MAKULIT, MAGHANAP KA NALANG NG IBANG MABABASA

 RATED SPG TO

 

 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Prologue:

Timothy Pucker, isang napaka gwapong nilalang mula sa lahi ng mga Pucker. Isang gwapong nilalang na nagpapaka masokista habang pinanonood ang kasal ng kapatid ko at ng babaeng mahal ko.

“You may now kiss the bride”

Napangiti nalang ako ng mapait ng dumampi ang labi ng kapatid ko sa labi ng babaeng mahal ko.

“masokista” napabaling ang atensyon ko sa kakambal kong nakatingin sa masayang bagong kasal na sina kuya Tristan at Princess

“nagsalita” nagkibit balikat nalamang siya at muli akong bumaling sa harap kung saan masayang nagkukuhanan ng litrato ang mga bisita kasama ang bagong kasal.

Minsan kahit sobrang sakit na, kahit sobrang nasasaktan ka na, kahit hindi mo na kaya ang sakit na nararamdaman mo kailangan mo nalang maging masaya para sa dalawang taong mahal mo. Hindi ko gusting umibig sa iisang babae kasabay ng kambal ko at ng kuya ko. Hindi ko ginustong sa iisang babae lamang tumibok ang mga puso naming tatlo. Langya mo naman kasi sa gwapo naming to umibig kaming tatlong gwapo sa iisang babae? At ano ngayon? Eto kami ng kakambal ko, nasasaktan, nasasaktan at nasasaktan. Sabi nga nila hindi yan tunay na pag-ibig kung hindi ka masasaktan, pero bakit ganto naman? Sobrang sakit naman ata.

* * * * *  * * * * * * * * * *

Tommy Pucker, gwapong masokista, tama ba naman daw panuodin ko pa kung gaano kasaya ang babaeng mahal ko na ikinakasal sa kuya ko? Masakit, sobrang sakit. Eton a ata ang isa sa pinaka masakit na naranasan ko sa buong buhay ko. Bakit naman kasi sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit naman kasi umibig kaming tatlo sa iisang babae pa? Ganon ba talaga pag magkakapatid? Pare parehas ng gusto?

Sabay kaming tumayo ni Tim para lapitan ang bagong kasal na kapatid ko at babaeng mahal namin. Maybeleen Santiago is my first love, siya lang sa dame ng babaeng nakapaligid samin ang nagpatibok sa puso kong pihikan. Ngayon ay masaya na siyang kasal sa kuya ko. Oo nga at isa na siyang ganap na Pucker kagaya ko, pero hindi bilang Pucker na asawa ko, kundi bilang Pucker na asawa ng kuya ko.

Sa kalagitnaan ng kainan ay napagdesisyunan naming tumungo sa pag mamay-ari naming bar ni Tim ang “Steel Bar”. Lulunudin namin ang mga sarili naming bigo sa pag-ibig sa alak, magpapakasaya at kakalimot kahit sandali man lang.

Pucker Series #2: My TWIN and I -FIN- (EDITED)Where stories live. Discover now